KUMPIYANSA ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na makakamit nito ang 50 percent digitalization target para sa retail payments sa pagtatapos ng 2023.
Ayon sa BSP, noong 2022 ay 42.1 percent ng retail payments ang na-convert sa digital form.
Sinabi ni BSP Deputy Governor Mamerto Tangonan na dumarami ang e-money users kung saan apat sa 10 Pinoy ang gumagamit ngayon ng e-money accounts.
Para madagdagan pa ang mga gumagamit ng e-money, ang BSP ay nakikipag-usap sa mga bangko at digital transactions platforms para babaan o i-waive ang transaction fees para sa maliliit na transaksiyon o mas mababa sa P1,000. “These fees, it presents a barrier and there is a reluctance to pay. Since we’re encouraging digital payments, let’s offer them micropayments so they will get to use more,” ani Tangonan.
LIZA SORIANO