MAHIGIT sa 100,000 posisyon sa gobyerno ang nananatiling bakante, ayon kay Civil Service Commission (CSC) commissioner Aileen Lizada.
Ito ay kasunod ng pahayag ng pamahalaan hinggil sa ‘rightsizing’ upang makabuo ng placement committees ang mga ahensiya ng gobyerno na makapagbibigay ng safety nets para sa mga empleyado at para makatipid ng aabot sa P15 bilyon na ilalaan sa social welfare programs.
Ayon kay Lizada, mas makabubuti kung ang mga bakanteng posisyon na lamang ang silipin at buwagin kaysa mag-hire pa ng mga empleyadong contract of service at job order.
Sinabi pa ni Lizada na malaking tulong ito upang mapunan ang mga naiwang bakanteng posisyon sa gobyerno.
DWIZ 882