Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DA-BAI officer-in-charge Reildrin Morales na nakipagpulong ang ahensiya sa broiler industry at fast-food chain stakeholders upang talakayin ang mga isyu hinggil sa sektor, partikular ang mababang produksiyon habang mataaa ang demand
“Kausap natin kahapon kasama ang stakeholders ng broiler industry at sinasabi nilang gumaganda na po ang production cycle,” ani Morales.
Samantala, sinabi ng opisyal na nilinaw ng fast-food chains na may sapat na suplay ng manok subalit ang kalidad nito ay hindi pasado sa kanilang specifications.
Ayon kay Morales, ang mababang local production ng manok ay sanhi ng ilang salik tulad ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at ng Ukraine na dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga patuka, banta ng avian influenza, at ang pabago-bagong panahon na nagiging dahilan ng stunted growths ng ilang manok.
Ang mababang suplay na sinamahan ng pagtaas ng demand ay nagresulta sa pagsirit ng presyo.
Sa kasalukuyan, ang presyo ng manok ay pumalo na sa P200 kada kilo mula sa P160 kada kilo sa pagsisimula ng taon.