SI FILIPINO boxing icon at Senator Manny Pacquiao ang eighth wealthiest athlete sa mundo sa buong dekada, ayon sa Forbes.
Sa ulat ng Forbes, ang 25 pay-per-view fights ni Pacquiao ay nakalikom ng 20 million buys at tinatayang $1.3 billion na revenue.
Sa pagtaya ng Forbes, ang personal earnings ng eight-division world champion ay nasa $435 million o mahigit P22 billion.
Nanguna sa listahan si fellow boxer Floyd Mayweather, Jr. na may tinatayang $915 million na earnings, kabilang ang $500 million na pinagsama para sa kanyang 2015 at 2017 fights laban kina Pacquiao at Conor McGregor.
Ang top 10 ng Forbes’ Highest Paid Athletes of the Decade:
1.Floyd Mayweather: $915 million; 2. Cristiano Ronaldo: $800 million; 3. Lionel Messi: $750 million; 4. LeBron James: $680 million; 5. Roger Federer: $640 million; 6. Tiger Woods: $615 million; 7. Phil Mickelson: $480 million; 8. Manny Pacquiao: $435 million; 9. Kevin Durant: $425 million; 10 Lewis Hamilton: $400 million.
Comments are closed.