KULELAT ang Pilipinas pagdating sa sahuran sa mga mangggawa mula sa iba’t ibang sektor.
Ito ang binigyang-diin ni labor lawyer at Federation of Free Workers head Sonny Matula matapos ipanukala sa Senado ang P100 dagdag-sahod sa mga manggagawa sa pribadong sektor.
Sa panayam ng DWIZ, ikinumpara ni Atty. Matula ang sahod ng mga empleyado sa Pilipinas sa mga kalapit bansa gaya ng Indonesia na aabot na sa P800 ang arawang sahod.
Nanawagan ang abogado sa mga mambabatas na repasuhin ang taas-sahod para sa mga manggagawa, sa halip na tutukan ang Charter change.
DWIZ 882