(Ayon sa isang UK survey website) NAIA IKA-4 SA ‘WORST AIRPORT’ SA ASIA

IKA-4 ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa ‘Worst Airport in Asia’, batay sa isang survey website mula sa United Kingdom.

Ayon sa survey ng Businessfinancing.Co.UK, nakapuntos lamang ng 2.78 ang NAIA mula sa business travellers na nagbigay ng ratings sa mga paliparan sa Asya ng 1 to 10.

Nakakuha naman ng 1.69 na score ang Kuwait International Airport na sinundan ng Almaty International Airport sa Kazakhstan at King Abdulaziz International Airport sa Saudi Arabia.

Itinuring naman na ‘best aiport’ sa Asya ang Noi Bai International Airport sa Vietnam na may average rating na 6.80, na sinundan ng Changi Airport sa Singapore at Hong Kong International Airport.

Wala pang pahayag ang Department of Transportation ukol dito.

DWIZ 882