PAPAYAGAN pa ring makabiyahe ang mga pasaherong naharang dahil sa tanim-bala.
Ito ang nilinaw ni Office for Transportation Security Spokesperson Kim Alyssa Marquez at sinabing sa halip ay ipatutupad na lamang ang confiscation policy na sinimulan noong Duterte administration.
Ayon kay Marquez, sa oras na maraming makitang bala sa bagahe ng pasahero ay agad nila itong ieendorso sa Philippine National Police Aviation Security Group para sa kaukulang imbestigasyon.
Matatandaang muntikan nang hindi matuloy ang biyahe ng mag-asawang pasahero matapos silang makitaan ng isang bala sa kanilang bag.
DWIZ 882