MAHIGIT sa kalahati ng mga Pilipino ang itinuturing ang kanilang sarili na mahirap, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Lumitaw sa September 14-23, 2024 survey na 59% ng pamilyang Pinoy ang naniniwalang mahirap sila o 16.3 milyong Pilipino.
“This is one percentage point higher than the 58% in the June 2024 survey, and the highest percentage of self-rated poor families since June 2008,” ayon sa SWS.
Ang Third Quarter 2024 survey ay isinagawa gamit ang face-to-face interviews sa 1,500 adults sa buong bansa: 600 sa Balance Luzon (o Luzon sa labas ng Metro Manila), at tig-300 sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao.
May sampling error margin ito na ±2.5% para sa national percentages, ±4.0% sa Balance Luzon, at tig- ±5.7% para sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao.
Ang survey ay non-commissioned.
Ayon sa SWS, tumaas ang self-rated poverty sa Metro Manila, bahagyang tumaas sa Balance Luzon, at bahagyang bumaba sa Visayas at Mindanao
Ang self-rated poverty ay pinakamataas sa Mindanao sa 67%, sumunod ang Visayas sa 62%, Balance Luzon sa 55%, at Metro Manila sa 52%.
Tinanong ng survey ang mga respondent kung naranasan nilang maging hindi mahirap sa nakaraan.
“The total percentage of poor families consists of 9.1% who were non-poor 1-4 years ago (“Newly Poor”), 8.1% who were non-poor five or more years ago (“Usually Poor”), and 41.5% who never experienced being non-poor (“Always Poor”),” ayon sa SWS.
Katumbas ito ng 2.5 million newly poor; 2.3 million usually poor, at 11.5 million always poor.