(Ayon sa SWS survey)12.9 MILYONG PAMILYANG PINOY POBRE

NASA 51 percent ng pamilyang Pinoy o 12.9 million households ang itinuturing ang kanilang mga sarili na mahirap, ayon sa survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) noong Huwebes.

Kumpara noong October 2022, sinabi ng SWS na ang bilang ng self-rated poor families ay umakyat mula sa 12.6 million.

Lumitaw rin sa Fourth Quarter 2022 poll na 31% ng mga pamilya ang itinuturing ang kanilang mga sarili bilang “borderline” o nasa gitna. habang 19% ang naniniwalang hindi sila mahirap.

Sa 12.9 million na “mahirap” na pamilya, sinabi ng SWS na 8% ang non-poor sa nakalipas na isa hanggang apat na taon, at 5.8% ang hindi mahirap sa nakalipas na lima o higit pang taon.

“In the last four quarters, the national median Self-Rated Poverty Threshold (minimum monthly budget) stayed at ₱15,000, while the national median Self-Rated Poverty Gap fell from ₱6,000 in October 2022 to ₱5,000 in December 2022,” ayon pa sa SWS.

Isinagawa ang survey mula Dec. 10 hanggang 14 noong nakaraang taon sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adults.