(Ayon sa UN) GLOBAL UNEMPLOYMENT LALALA SA 2024

BAHAGYANG tataas ang global unemployment rate ngayong  2024, ayon sa United Nations (UN).

Sinabi ng labor agency ng UN na bumagal ang  economic recovery mula sa COVID-19 pandemic sa gitna ng nagpapatuloy na geopolitical tensions at ng tuloy-tuloy na  inflation na nag-uudyok sa agresibong pagkilos ng central banks.

Ayon sa International Labor Organization, ang global growth noong 2023 ay mas mataas kaysa inaasahan, at ang labor markets ay nagpakita ng nakagugulat na katatagan.

Gayunman, sinabi ng ILO na ang  real wages ay bumaba sa karamihan sa G20 countries dahil ang wage increases ay nabigong makasabay sa  inflation.

Ang 2022 global unemployment rate ay nasa 5.3 percent at bahagyang bumuti noong nakaraang taon sa 5.1 percent.

Subalit ngayong taon, may karagdagang dalawang milyong manggagawa ang inaasahang maghahanap ng trabaho, na magtataas sa global unemployment rate sa 5.2 percent.

“Disposable incomes have declined in the majority of G20 nations and, generally, the erosion of living standards resulting from inflation is unlikely to be compensated quickly,” sabi pa ng ILO. Sa World Employment and Social Outlook Trends report ng ILO para sa 2024, sinabing ang lumalawak na inequalities at stagnant productivity ang magiging alalahanin.

Ang pag-aaral ay nagsagawa ng assessment sa latest labor market trends, kabilang ang unemployment, job creation, labor force participation at mga oras na trinabaho, pagkatapos ay iniugnay sa kanilang social outcomes.

“The report found that some of the data, notably on growth and unemployment, are encouraging,” sabi ni ILO chief Gilbert Houngbo.

“But a deeper analysis reveals that labor market imbalances are growing and that, in the context of multiple and interacting global crises, this is eroding progress towards greater social justice,” dagdag pa ni Houngbo.

Lumabas sa report na tanging ang  China, Russia at Mexico ang nakaranas ng real wage growth noong 2023.