MAY 2,907,520 indigent senior citizens ang nabigyan na ng ayuda ngayong taon, ayon Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“This is under the Social Pension for Indigent Senior Citizens (SocPen) program of the agency which is worth PHP8,722,560,000,” wika ni DSWD Secretary Rolando Bautista.
Ang SocPen ay ipinatutupad sa pamamagitan ng Republic Act 9994 o ang “Expanded Senior Citizens Act of 2010”.
Sa ilallm ng programa, ang mga kuwalipikadong indigent senior citizens ay tatanggap ng P500 kada buwan bilang ayuda para sa kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan at iba pang medical needs.
Ang social pension ay ipinamamahagi sa semestral basis sa PHP3,000 kada semester.
Ayon sa DSWD, ang mga senior na kuwalipikadong tumanggap ng social pension ay yaong mahina, sakitin o may kapansanan, walang anumang pension mula sa iba pang ahensiya ng gobyerno, at walang permanenteng pinagkukunan ng financial assistance/compensation para suportahan ang kanilang basic needs.
Samantala, itinutulak din ni Bautista ang isa pang bill na naglalayong isulong ang mga karapatan at kapakanan ng matatanda.
Ang Anti-Elder Abuse Bill, na muling inihain sa 18th Congress, ay isa sa priority legislative measures ng DSWD.
Layon nitong parusahan ang mga nang-aabuso sa mga senior citizen, at bumuo ng mga istratehiya para maiwasan o mabawasan ang mga pang-aabuso laban sa kanila.
Nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa iba’t ibang asosasyon ng senior citizens at NGOs, tulad ng Coalition of Services for the Elderly at Federation of Senior Citizens Associations in the Philippines para maisulong ang panukalang batas. PNA
Comments are closed.