AYUDA SA PROFESSIONAL SPORTS TINIYAK NG GAB

Abraham Mitra

SINIGURO ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra na sapat ang kahandaan ng pamahalaan para matugunan ang pangangailapngan ng mga atletang professional at mga ligang kinabibilangan nila sa laban COVID-19 pandemic.

Inilarawan ni Mitra ang kaganapan na ‘temporary setback’ at iginiit na walang dapat ikabahala ang mga atletang propesyunal dahil sa todo-suporta ng pamahalaan para malabanan ang pandemya at makabalik kahit sa hinay-hinay na pamamaraan ang professional sports.

“GAB assures pro athletes and officials of our full support. We are always ready to assist you despite all the setbacks brought by this pandemic,” pahayag ni Mitra.

Sa pakikipagpulong sa mga opisyal ng Inter-Agency Task Force (IATF) nitong Huwebes, ipinahayag ni Mitra ang kasalukuyang sitwasyon ng professional sports, gayundin ay kinatigan niya ang naging desisyon ng Philippine Basketball Associ-ation (PBA) na pansamantalang itigil ang kasalukuyang conference sa Ynares Center sa Pasig City matapos tamaan ng COVID-19 ang ilang crew at players.

Isinailalim din sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila at mga karatig-lalawigan para mapigilan ang pagkalat ng mas mabilis makahawang COVID-19 Delta variant.

“We support the PBA’s choice to suspend its ongoing conference. We also subscribe to the league’s decision to transfer its venue from Pasig City to Batangas province. However, may we remind everyone to continually adhere to our public health standards and IATF’s guidelines because we are facing a more contagious COVID-19 variant,” pahayag ng dating Palawan governor at congressman.

Nilinaw ni Mitra na mahigpit na ipinatutupad ng GAB ang ‘safety and health’ protocol batay sa rekomendasyon ng IATF, ngunit para masiguro ang kaligtasan ng mas nakararami, nagdesisyon ang ilang GAB-sanctioned leagues na National Basketball League / Women’s National Basketball League (NBL/ WNBL), at  Pilipinas Golf Tournaments Inc. (PGTI), na itigil muna ang ‘bubble’ set-up para mabigyan ng sapat na panahon ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mas mahigpit na quarantine level.

Patuloy naman ang Premier Volleyball League (PVL) sa Ilocos Norte, gayundin ang Mindanao leg ng VisMin Pilipinas Super Cup sa Pagadian City, Zamboanga del Sur, bunsod ng mas maluwag na quarantine restrictions na ipinatutupad ng local government unit (LGU).

Nagdesisyon din ang pamosong boxing promoter na si Gabriel ‘Bebot’ Elorde Jr. ng Elorde Inter-national Promotions na ipagpaliban ang nakatakdang boxing match sa Agosto 7 sa Flash Ballroom sa Pa­rañaque City.  EDWIN ROLLON

7 thoughts on “AYUDA SA PROFESSIONAL SPORTS TINIYAK NG GAB”

  1. 183756 470541This internet site is truly a walk-through it actually is the data you desired relating to this and didnt know who ought to. Glimpse here, and youll undoubtedly discover it. 947805

Comments are closed.