INATASAN ang mga treasurer at assessor mula sa mga lugar na naapektuhan ng lindol sa Mindanao na agad isumite ang damage reports upang malaman ang kakailanganin para sa rehabilitasyon.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, may pondo ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa disaster relief para sa mga biktima.
“The assessment of damages to government infrastructure and buildings should take a week or so but is a bit longer for private properties,” sabi ni Dominguez.
Aniya, magpapatupad ang Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS), Philippine Guarantee Corporation (Phil-Guarantee), at ang Pag-IBIG Fund o ang Home Development Mutual Fund (HDMF) ng mga programa upang matulungan ang mga biktima.
Idinagdag pa ng kalihim na mayroon din ang Land Bank of the Philippines (Landbank) ng calamity rehabilitation support program.
Ang nasabing state-owned agencies ay nasa ilalim ng DOF.
Nauna nang umapela ng tulong ang mga opisyal ng ilang lugar na tinamaan ng 6.5-magnitude earthquake na yumanig sa Mindanao noong nakaraang Oct. 31 dahil sa lawak ng pinsala sa kanilang mga lugar.
Ang lindol noong nakaraang Huwebes na yumanig sa Tulunan, North Cotabato ang ikatlo na tumama sa pinakamalaking island group sa bansa para lamang sa buwan ng Oktubre.
Ang Tulunan, North Cotabato ang unang niyanig ng 6.3 magnitude quake noong nakaraang Oktubre 16 habang nakaranas ang southern part ng 6.6-magnitude tremor noong nakaraang Oktubre 29. PNA
Comments are closed.