AYUDA SA SINALANTA NG BAGYO SA BICOL REGION

Francis Tolentino

NAMAHAGI si Senador Francis Tolentino ng mga relief items sa mga bayan ng  San Miguel, San Andres at Virac sa Catanduanes gayundin sa Albay matapos salantahin ng Super Bagyong Rolly ang Bicol region.

Personal na binisita at pinuntahan din ni Tolentino ang probinsiya ng Albay, kabilang ang kanyang hometown sa Guinobatan at mga kadikit nitong bayan kagaya ng Linao, Camalig, Ligao, Tiwi, Malinao, at Malilipot upang maghatid ng ayuda.

Bukod kay Rolly, pinadapa rin ng Bagyong Quinta at Ulysses ang mga nasabing lugar.

Sa Guinobatan, binanggit ni Tolentino na kasalukuyan siyang nakikipag-ugnayan sa pamunuan ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) para sa isang program pabahay at relokas­yon para sa mga sinalanta ng mga nagdaang bagyo. VICKY CERVALES

Comments are closed.