AYUDANG TINANGGAP IPINAGBUNYI NG MGA JEEPNEY DRIVER AT OPERATOR

patnubay ng driver

LUBHANG ikinagalak ng napakaraming drivers  at operators ng mga pampasadang jeepney  na hindi nagkaroon ng pagkakataong makagulong sa lansangan para sa pampamilyang kaluwagan sa pang-araw-araw na pangangailangan ang pahayag ng Land Transportation Franching and Regulatory Board (LTFRB) na bibigyan sila ng ayudang pangkabuhayan.

Ito ang naging bunga ng maraming mgabuwan na kinasadlakan ng mga driver at jeepney operators na hindi nakabiyahe likha ng coronavirus 2019 (COVID 19) pandemic.

Ngunit kamakailan,  ang  naghihingalong pag-asa ng mg drayber at operator sa problemang kanilang kinasadlakan ay nagkaroon ng liwanag nang ang kanilang inaasam na pangkaligtasang ayuda ay biglang lumitaw sa liwanag ng katotohanan na ang bawat drayber at operator na naparalisa ang pagbibiyahe sa

panahon ng pandemya ay pinagkalooban ng pamahalaan ng P6,500 kamakailan.

Ang LTFRB ang nangasiwa sa pamamahagi ng tuwirang cash subsidy sa ilalim ng programang

PANTAWID PASADA PROGRAM

Binigyang-linaw ng LTFRB na ang direct cash subsidy ay programa ng pamahalaan sa ilalim ng Bayanihan To Heal as One Act 2.

Ang ipinamahaging ayuda sa mga driver at operator, ayon sa LTFRB,  ay bilang alalay sa mga ito matapos na dumanas ng hirap dahil sa ipinatutupad na health and safety protocols para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa public utility vehicle.

Samantala, nanawagan ang LTFRB sa mga driver at operator na hindi pa nakatatanggap ng subsidy na gawin ang mga sumusunod na pamamaraan: paglalagay sa Landbank of the Philippines Pantawid Pasada Program Cash Cards habang sa mga walang PPP cash cards ay ilalalagay naman sa existing bank acount sa pamamagitan ng PESO Net at INSTAPay  at over the counter withdrawal sa  LBP servicing branches.

BATAS PANGKALIGTASAN NG MGA BATA SA SASAKYAN

Ganap nang naging batas matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang taon ang isang panukalang batas na tumitiyak sa kaligtasan ng mga bata na nakasakay sa pribadong sasakyan.

Ito ay ang RA No. 11229 o ang Child Safety in Motor Vehicles Act na inilabas sa media  noong unang linggo ng Marso ng nakaraang taon.

Ang naturang batas ay nagtatadhana ng pagbibigay ng ibayong proteksiyon sa mga batang may edad na 12 at pababa kapag ang mga ito ay lulan ng umaandar na sasakyan sa pamamagitan ng child restraint system.

Ang Child Restraint System ay dapat naaangkop sa:

  1. edad (age)
  2. tangkad (height) at
  3. timbang ng bata (weight).

Layunin nito na matiyak na makauupo ang bata nang maayos sa loob ng sasakyan at maiwasan ang anumang injury sakali mang magkaroon ng traffic accident ang behikulong sinasakyan.

Isa sa cardinal rule  na binibigyan ng diin sa naturang RA No. 11229 na bawal na bawal iwanang mag-isa ang bata sa loob ng sasakyan.

Hindi rin maaaring umupo ang mga bata sa harapan ng sasakyan katabi ng driver maliban na lamang kung may tangkad (height) na 56 na pulgada at kasya na ito sa regular na seatbelt.

Ang mga lalabag sa batas na ito ay pagmumultahin ng Php1,000 sa unang paglabag; Php2,000 sa ikalawang paglabag at Php5,000 sa ikatlong paglabag at karagdagang suspensiyon ng driver’s license sa loob ng isang taon.

Sa kabilang dako, ipinag-utos naman ng Department of Trade and Industry (DTI) na magtakda ng standards base sa United Nations Regulations sa klase ng child restraint system na gumagawa (manufacture), mag-angkat (import) at magagamit sa Filipinas.

PAGLILINAW  NG LTO SA SEATBELT LAW

Nilinaw naman ng Land Transportation Office (LTO)  na nauna rito ay mayroon na tayong Seatbelt Law – RA 8750 na nagtatadha na: “Drivers and front seat passenger of public and private motor vehicles are required to wear or use seatbelt device while inside a running vehicle.”

Ayon sa LTO’s Law Enforcement Service, layunin ng naturang batas na mabawasan ang injuries and death in road accidents.

Gayundin, itinatadhana sa RA 8750 ang pagbabawal sa mga batang wala pang anim na taong gulang na paupuin sa front seat ng anumang running motor vehicle kahit na ang mga bata ay naka-seatbelt (buckled up).

ANG CHILD SAFETY IN MOTOR VEHICLES ACT

Suportado at sinasang-ayunan naman ni Augusto Lagman, pangulo ng Automobile Association of the Philippines (AAP), ang batas na sinasabing pinakade-likadong upuan sa isang sasakyan ay ang unahang upuan (front seat).

Sa kaparehong batas, nakatadha na mayroong dapat child restraint system gaya ng :

  1. car seat
  2. car bed

para sa mga batang pasahero sa back seat bukod sa seatbelt.

“When we say child restraint system that includes seat whether it’s facing forward or it’s  facing backward,” pahayag ni Lagman.

Batay sa datos ng World Health Organization (WHO), ang pagkakaroon ng child restraint equipment ay magbabawas sa tsansa ng pagkamatay ng mga batang nakasakay sa sasakyanng humigit kumulang sa 70 porsiyento.

Ang mga mahuhuling lalabag sa bagong batas ay pagmumultahin ng Php1,000 sa unang paglabag, Php2,000 sa ikalawang paglabag at Php5,000 at kanselasyon (revoke) ng driver’s license sa ikatlong paglabag,.

Hindi naman sakop ng bagong batas na ito ang mga public utility vehicles tulad ng mga bus, jeep, tricycle at mga kauring sasakyan.

Kasangguni: RNT

PAYONG PAGTITIPID NG GASOLINA

Ang paiba-ibang presyo ng produktong petrolyo ay kailangan ang isang sistematikong solusyon,  gayundin ang problema sa trapiko na likha ng mga pasaway na motorista.

Kung patuloy na mananatili ang kawalan ng edukasyon ng mga mamamayan – drayber, may ari ng sasakyang panghanapbuhay at ng mga mananakayang mamamayan, kung ano-ano ang kanilang karapatan at obligasyon sa pagmamaneho at paggamit ng lansangan, ang kakarampot na take home  na kita ng ating mga draybeyr ay madaragdag pa sa kanilang hinagpis pagdating ng bahay.

Sa pakikipanayam sa Service Mechanic ng Caltex service station sa kahabaan ng Sucat. Paranaque City, para makatipid sa konsumong gasolina sa mahabang paglalakbay, bago bumiyahe ay dapat tsikin ang mga sumusunod:

  1. kondisyon ng fan belt
  2. clutch at brake
  3. gulong at
  4. battery

Samantala, idinagdag ng kasangguni na i-check mabuti kung may tagas sa lalagyan ng gasolina at diesel, langis at tubig at kung magbibiyaheng mag-isa, makabubuting mag-commute na lamang para makatipid sa gasolina at sa oras.

Comments are closed.