B.LEAGUE: THIRDY, SAN-EN RUMESBAK SA SHIGA

NAKAGANTI si Thirdy Ravena at ang San-en NeoPhoenix sa Shiga Lakestars makaraang maitakas ang come-from-behind overtime win, 101-96, sa Division 1 ng Japan Professional Basketball League (B.League) nitong Linggo.

Nagbuhos si Thirdy ng 21 points sa panalo ng kanyang koponan, habang kumamada ang kanyang kapatid na si Kiefer, na ang Shiga team ay nagwagi sa unang head-to-head matchup noong Sabado, ng 20.

“It definitely felt better than yesterday because this is kind of the opposite from what yesterday’s game was,” pahayag ni Thirdy sa post-game interview.

Makakasagupa ng San-en ang Niigata Albirex BB, ang koponan ni Kobe Paras, sa susunod na weekend, habang makakaharap ni Kiefer at ng Lakestars ang Ibaraki Robots, ang koponan ni Javi Gomez de Liaño.

Samantala, nakopo ni Paras at ng Niigata Albirex B ang kanilang unang panalo sa 2021-22 B.League season nang maungusan ang Kyoto Hannaryz, 76-75.

Naghahabol ng hanggang 11 points sa laro, sumandal ang Niigata kay Yuto Nohmi, na naipasok ang go-ahead jump shot, may 3.9 segundo sa orasan.

May oras pa ang Kyoto na maagaw ang panalo subalit nagmintis si David Simon sa potential game-winning jumper.

Tumapos si Nohmi na may 16 points habang nag-ambag si Paras ng 10 points. Nanguna si Rosco Allen para sa Niigata na may 16 points at 6 assists.

132 thoughts on “B.LEAGUE: THIRDY, SAN-EN RUMESBAK SA SHIGA”

Comments are closed.