BABAENG KADETE SA PNPA ANGAT SA PARANGAL

PNPA-3

CAVITE – KASABAY ng selebrasyon na Women’s Month, lamang naman ang babeng kadete na pumasok sa top 10 sa pagtatapos ng 2019  Philippine National Police  Academy (PNPA) class.

Sa ulat, anim na babaeng kadete at pumasok sa top ten habang apat lamang ang lalaki.

Isang lalaki na taga-Tondo, Maynila at miyembro ng Iglesia ni Cristo ang nangunguna sa klase.

Ayon kay PNP Spokesperson Sr. Supt Bernard Banac, batay sa  ina­probahan ng PNPA academic board Resolution Number  19-004 dated March 5, 2019, inilabas ang talaan ng mga nangungunang  kadete ng police academy .

Kinilala naman ni PNPA Director, Chief Supt. Jose Chiquito Malayo ang top 10 cadets/cadettes na sina Cdt Jervis Allen Musni Ramos; Cdtte Merriefin Longcob Carisusa; Cdtte Mary Grace Mag-usara Pabilario; Cdt Ferdinand Mark Haguiling Lagchana; Cdt Christian Cuario Albus; Cdtte Janila Andrea Malejana Garan; Cddte Ciara Ley Lustre Capul; Cdtte Mary Ann Balbuena Delos Santos; Cdtte Anna May Padroncillo Mangabo at  Cdt Salavador Formanes Pidlaoan.

Sinabi ni Malayo na pito sa top ten ay mapupunta sa PNP, dalawa sa Bureau of Fire Protection (BFP) at isa sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Si Pangulong Rodrigo Duterte ang magsisilbing guest of honor and speaker sa graduation rites ng PNPA.

Si Musni na tubongTondo ay nag top sa Criminology sa Unibersidad de Manila (UDM) at top 3 sa board examination for criminology kung saan 28,000 ang nag- exam at mahigit 12,000 ang naka pasa.         VERLIN RUIZ