NAGBABALA ang Department of Transportation (DOTr) sa mga bus operator na papatawan ng parusa kapag nagdagdag ng bayarin sa Beep cards.
Ang babala ay ginawa ni DOTr Consultant Alberto Suansing matapos na ipag-utos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbibigay ng libreng Beep cards sa mga commuter sa EDSA Busway simula sa Oktubre 9, 2020.
Binigyang-diin ng LTFRB na ang magiging gastos lamang dapat ng pasahero ay load mismo sa Beep card na hindi na rin dapat maglaman ng maintaining balance.
Una nang ipinag-utos mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibigay nang libre sa publiko ang Beep cards. DWIZ 882
Comments are closed.