BABALA NG SOLON: DIGITAX IPAPASA SA CONSUMERS

Rep Bernadette Herrera-Dy

NAGBABALA ang isang party-list lawmaker na hindi makabubuti sa mga consumer ang pagpapataw ng 12-percent value-added tax (VAT) sa digital transactions o services.

Sa isang statement, sinabi ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera na ang panukalang VAT ay ipapasa sa mga consumer sa pamamagitan ng mas mataas na presyo.

Tinawag ni Herrera ang hakbang bilang “totally unacceptable at this time of economic uncertainty.”

Nagbabala rin siya na bukod sa mga consumer, ang mga small-time business at seller ay direkta ring maaapektuhan ng pagpapataw ng buwis sa mga sikat na online shopping platform tulad ng Lazada at Shopee.

“It’s not good to impose undue administrative burden associated with VAT on Lazada and Shopee, which have been of great help to small businesses and budding entrepreneurs,” sabi ni Herrera.

Aniya, ang naturang online shopping platforms ay gumaganap ng malaking papel para sa mga consumer dahil isinusulong ng pamahalaan ang contactless transactions sa gitna ng coronavirus disease (CO­VCID19) pandemic.

Ayon sa kongresista, ang mga shopping platform na ito ay pinagkukunan ng alternatibong mapagkakakitaan ng mga Filipino na naapektuhan ng public health crisis.

“Many of our kababayans (who) have lost their jobs due to the pandemic had to resort to selling products and services online just to make ends meet,” sabi pa niya.

Noong Miyerkoles ay inaprubahan ng House Ways and Means Committee ang panukalang patawan ng 12-percent VAT ang digital transactions sa bansa.

Layunin nitong am­yendahan ang Section 105 ng  National Internal Revenue Code (NIRC) sa pamamagitan ng pagpapataw ng buwis sa digital service providers na nag-o-operate sa pamamagitan ng online platforms.

Ang digital services ay kinabibilangan ng onlie licensing o software, updates at add-ons, website filters at firewalls, mobile applications, video games ar online games, at webcasts at webinars.       PNA

Comments are closed.