BABALA SA PUBLIKO: MAG-INGAT SA PAGBILI NG SCHOOL SUPPLIES

PINAG-IINGAT ng environmental at children’s health advocacy group na EcoWaste Coalition ang publiko sa pagpili ng school supplies na bibilhin para sa kanilang mga anak.

Ang paalala ay ginawa ng grupo, kasunod na rin nang inaasahang pagbabalik-eskuwela na ng mga mag-aaral sa Lunes, Hunyo 3.

Ayon sa EcoWaste Coalition, dapat tiyakin ng mga magulang na ligtas mula sa anumang nakalalasong kemikal, gaya ng cadmium at lead, ang mga supplies na gagamitin ng kanilang mga anak sa eskuwela dahil maaa­ring makasama ito sa kanilang kalusugan.

Nauna rito, nagsagawa ng test buys ang grupo sa ilang school supplies na ipinagbibili ng ilang street vendors at retail stores sa ilang lugar sa Metro Manila, gaya ng Divisoria at Quiapo sa Maynila, at gayundin sa mga lungsod ng Makati, Pasay at Quezon, at natuklasang ilan sa mga ito ay may nakalalasong cadmium at lead.

Sa 87 samples na binili nila ay 34 ang mayroong mataas na antas ng lead at cadmium, habang 32 naman ang mataas na antas ng lead.

Nabatid na ang lead ay isang hazardous substance na nakaaapekto sa multiple body systems, ng isang bata, gaya ng neurologic, hematologic, gastrointestinal, cardiovascular, at renal systems habang ang cadmium naman ay maaaring maging sanhi ng sakit na cancer at maaari umanong magdulot ng reduced birth weight, premature birth, stillbirth, spontaneous abortion at birth defects, gayundin ng behavioral at learning disabilities.

Kaugnay nito, hinikayat ng grupo ang manufacturers, importers, distributors at retailers ng school supplies, gayundin ang government regulators, na tiyaking ang mga school supplies na ipinagbibili sa merkado ay 100 porsiyentong ligtas na gamitin ng mga bata at may tamang label.

“While many school supplies are generally harmless, there are some items that contain undisclosed chemicals that are banned or restricted in children’s toys because of their harmful effects on children’s health and the environment, too,” ani Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner ng grupo.

“Parents should be on the lookout for these items that may contain hazardous chemicals such as cadmium, lead and phthalates,” aniya pa. “Our schools and the products that children use should be totally safe from these chemicals that can put their development and health at risk.” ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.