Mga laro sa Miyerkoles:
Ynares Sports Arena -Pasig
12:30 p.m. – Terrafirma vs Alaska
3 p.m. – Phoenix vs NorthPort
6 p.m. – TNT vs Magnolia
MATAGUMPAY na napigilan ng Meralco ang fourth quarter rally ng San Miguel upang iposte ang impresibong 93-87 panalo at kunin ang solong liderato sa 2021 Philippine Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Gumanap na bayani ang bihirang gamitin na si Aaron Black na umiskor ng back-to-back na tres para sa 85-77 kalamangan matapos na lumapit ang Beermen sa 77-79 sa tres ni Marcio Lassiter. Matatag na napangalagaan ng Bolts ang bentahe tungo sa pagkopo ng ikalawang sunod na panalo makaraang gapiin ang NorthPort Batang Pier sa opening game.
Kinuha ni Black ang scoring job at nakipagsanib-puwersa kina Mac Belo, Chris Newsome, Allein Maliksi at Nards John Pinto.
Kumana si Black ng 14 points, kasama ang tatlong tres, at kumalawit ng apat na rebounds upang tanghaling Best Player of the Game.
Nanguna si Newsome para sa Meraco na may 17 points, 4 rebounds, at 6 assists.
Na-injure ang kaliwang paa ni Terrence Romeo nang mag-crossover ang SMB pointguard sa midcourt sa huling 8:32 ng fourth quarter kaya napilitan si coach Leo Austria na ilabas siya.
Ang pagkawala ni Romeo ay lubhang nakaapekto sa opensiba ng SMB at naiwan sina CJ Perez, Lassiter, Chris Ross at Arwind Santos sa pangangasiwa sa frontline at si Moala Tautuaa ang nag-iisang nagbantay sa low post dahil hindi gaanong pinaglaro ni coach Austria ang 6-foot-8 five-time MVP na si June Mar Fajardo.
Sa ikalawang laro ay sobrang tulin ang takblo ng NLEX Road Warriors na hindi kayang abutan ng Barangay Ginebra tungo sa 94-75 panalo.
Sa pangunguna ng deadly duo nina point guards Kevin Alas at Kiefer Ravena na nagsanib ng 37 points ay dinomina ng Road Warriors ang laro upang kunin ang unang panalo sa dalawang laro matapos namatalo sa Rain or Shine sa unang laro. CLYDE MARIANO
Iskor:
Unang laro
Meralco (93) – Newsome 17, Black 14, Hugnatan 13, Pinto 11, Quinto 9, Pasaol 7, Belo 7, Maliksi 7, Almazan 4, Hodge 4, Jackson 0.
San Miguel (87) – Romeo 18, Tautuaa 17, Perez 17, Lassiter 11, Santos 8, Fajardo 5, Ross 5, Cabagnot 4, Gotladera 2, Pessumal 0.
QS: 18-25, 42-41, 74-59, 93-87
Ikalawang laro
NLEX (94) – Alas 20, Ravena 19, Trollano 11, Semerad 11, Quinahan 10, Cruz 9, Soyud 7, Miranda 5, Oftana 2, Porter 0, McAloney 0.
Ginebra (75) – Aguilar 15, Thompson 12, Tenorio 11, Standhardinger 9, Pringle 8, Caperal 8, Chan 4, Devance 3, To-lentino 2, Enriquez 2, Ayaay 2, Dillinger 0, Salado 0.
QS: 26-15, 41-35, 72-55, 94-75.
472862 874193Seriously very great contribution, I genuinely depend on up-dates of your stuff. 349326
112542 522416Wow, wonderful blog layout! How long have you been blogging for? 469309
378281 137503You produced some decent points there. I looked online for that dilemma and discovered many people goes coupled with with all your internet site. 492811
220994 496998I like this web web site very considerably, Its a truly good post to read and get information . 9149
576605 665627Very efficiently written story. It will likely be beneficial to anybody who employess it, including me. Maintain up the great function – canr wait to read much more posts. 319659