BACK TO BACK WINS SA CELTICS

Celtics

UMISKOR si Marcus Smart ng 12 points mula sa bench, kabilang ang isang 3-pointer sa 8-0 run ng Boston sa pagsisimula ng fourth quarter, at naitakas ng Celtics ang 118-95 panalo laban sa host New York Knicks noong Sabado ng gabi.

Nagbuhos si Kemba Walker ng game-high 32 points, kabilang ang pitong 3-pointers, at nalusutan ng Celtics ang masamang simula upang maitala ang back-to-back wins, ang una ay laban sa Toronto sa home noong Biyernes.

Nakalikom si RJ Barrett ng 26 points para sa Knicks, na nabigo sa kanilang home opener makaraang buksan ang season sa pares ng pagkatalo sa road.

Nagtuwang sina Barrett at Julius Randle ng 12 points nang maagang malamangan ng Knicks, galing sa 113-109 pagkatalo sa Brooklyn noong Biyernes ng gabi, ang Celtics sa pamamagitan 16-4 run.

CLEVELAND 110, PACERS 99

Kinapos si Kevin Love ng isang assist para sa triple-double,  gumawa siTristan Thompson ng 25 points, at napigilan ng host Cleveland Cavaliers ang late rally upang gapiin ang Indiana Pacers noong Sabado sa Rocket Mortgage FieldHouse.

Kontrolado ng Cleveland ang early-season, Central Division matchup, kung saan lumamang sila ng hanggang 24 points.

Nagbida ang front-court duo nina Love at  Thompson kung saan nagtala si Love ng 21 points, 13 rebounds at 9 assists, at nagposte si  Thompson ng double-double 13 rebounds. Ang kanyang team-high 25 points ay tinampukan ng kanyang unang  career 3-pointer.

Sa likod ng game-high 30 points mula kay  guard Malcolm Brogdon, tinapyas ng Indiana ang bentahe sa 7  points sa huling dalawang minuto ng final regulation. Isang jumper ni Thompson at dalawang free throws ni guard Collin Sexton, na tumapos na may  18 points, ang nagsindi sa rally.

UTAH 113,

SACRAMENTO 81

Magaan na dinispatsa ng Utah  Jazz ang Sacramento Kings noong Sabado ng gabi sa Salt Lake City.

Ang ganitong uri ng performance ang matagal nang hinihintay ng fans. Matapos ang apat na sunod na preseason losses at disjointed efforts laban sa Thunder at Lakers, sa wakas ay nagsimula nang gumana ang opensa ng  Utah laban sa Kings. Bumuslo ang Jazz ng  56.4 percent mula sa  field at nagbigay ng 28 assists.

“It’s fun to play when the ball’s moving,” wika ni Jazz head coach Quin Snyder. “That happened a lot tonight—guys were making the extra pass.”

Tumabo si Bojan Bogdanović ng game-high 26 points para sa Jazz, habang nagdagdag si Donovan Mitchell ng  15 points sa 6-for-9 shooting. Tangan ng Utah ang double-digit lead sa halos buong laro at walang Jazz player ang naglaro ng mahigit sa  25 minuto sa blowout victory.

Tumapos si Mike Conley na may 12 points at 8 assists, at uniskor si Georges Niang ng 14 points mula sa bench.

Sumalang ang Jazz (2-1) wala pang 24 oras makaraang bumuslo sila ng 41.4 percent lamang mula sa field at tumapos na may mas maraming  turnovers (22) kaysa assists (19) sa pagkatalo sa Lakers sa Los Angeles.

Comments are closed.