UMABANTE si Filipino boxer Hergie Bacyadan sa women’s 75kg round of 16 sa 2nd World Qualification Tournament makaraang maitala ang 5-0 panalo laban kay Spanish Dunia Martinez sa Bangkok, Thailand noong Lunes ng gabi.
Sina Bacyadan at Tokyo Olympic silver medalist Carlo Paalam (men’s 57kg) ang dalawang nalalabing Philippine bets sa final Paris Olympics boxing qualifier.
Samantala, kailangan ni Paalam, na makakasagupa si Turkmen Shukur Ovezov Martes ng gabi, na pumuwesto sa hindi bababa sa third sa kanyang division upang makabalik sa Olympics.
Maagang nasibak sina Rio Olympian Rogen Ladon (51kg) at Criztian Pitt Laurente (men’s 63.5kg) makaraang matalo sa opening bouts.