BINUBUSISI ng pamunaun ng Bureau of Customs (BOC) ang lahat ng mga bagahe na dumarating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang pagsunod sa kautusan ni NAIA Customs District Collector Mimel Talusan upang masawata ang pagpasok ng droga sa bansa.
Ayon kay Talusan, kasama ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanilang ipinatutupad na pag-busisi sa mga air parcel, baggage at shipments na dumarating sa apat na paliparan ng bansa.
Naglagay na ng mga canine narcotic units at mga security sa Central Mail Exchange Center, DHL, FeDex-TNT/PAL/PSI, PairCargo, ECCF, TMW, CargoHaus at iba pang warehouses sa NAIA para mabantayan ang in and out ng droga sa airport.
Dagdag pa nito, ang Customs-NAIA ay may naitalang record-breaking na 30 drug seizures sa loob ng sampung buwan, 560 wildlife and endangered species apprehensions sa loob ng apat na buwan sa pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Aniya, ang importation ng wildlife species ng walang kaukulang permit o kaya clearance mula sa DENR ay labag sa Customs Modernization Tariff Act na may kaugnayan sa Republic Act 9147, o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.