NAGTALA ang Filipinas ng panibagong outbreaks ng African swine fever (ASF) kung saan natuklasan ang hog disease sa anim na lalawigan, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na ang bagong outbreaks ay naitala sa mga lalawigan ng Albay, Laguna, Quirino, Batangas, Quezon, at Cavite.
Sa datos ng DA hanggang noong Hulyo 31, may kabuuang 316,637 baboy na ang kinatay sa 28 lalawigan, 9 rehiyon, 262 lungsod at munisipalidad at 1,119 barangays.
“Ang mga kawani ng Kagawaran ng Pagsasaka ay nandiyan in partnership with the local government units na nag-iimplement ng elevated quarantine measures,” wika ni Dar.
Para mapigilan ang pagkalat ng ASF, nagpatupad ang pamahalaan ng istriktong movement protocols ng pork products at live swines, gayundin ng surveillance, containment, quarantine, at culling sa mga lugar na na-monitor na may disease.
Para matulungan ang mga apektadong hog raiser, sinabi ng kalihim na mamamahagi ang DA ng P5,000 para sa bawat baboy na isusuko para culling.
Nauna nang sinabi ng DA na dahil sa problema sa ASF ay inaasahan nito ang 31-day shortage ng pork supply sa pagtatapos ng 2020.
Comments are closed.