BAGONG FORCE COMMANDER NG 2ND IPMCF NANGAKO NG SEGURIDAD

ISABELA-NANGAKO ang bagong katatalagang pinuno ng Force Commander ng 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company (IPMFC) ng seguridad sa publiko sa kanilang nasasakupan sa banta ng New Peoples Army (NPA).

Isa sa una tututukan bilang responsibilidad ng pamunuan ng (IPMFC) na pamumunan ni P/Lt.Col. Dennis Pamor, ay ang paglaban sa insurhensiya sa lalawigan ng Isabela sa ilalim ng Executive Order 70 NTF-ELCAC at tumulong sa hanay ng pulisya at iba pang law enforcement operations kung saan ay layunin nilang matuldukan na at tuluyan ng mawala ang insurhensya sa boong bansa.

Kabilang ang kanilang tututukan ay ang mga lugar na nasasakupan ng kanilang hanay ay ang Isabela South na mula sa mga bayan ng Reina Mercedes-Luna-Ramon at nasasakupan ng Reina Mercedes-Cordon hanggang Coastal town sa bayan ng Dinapigue, Isabela.

Samantala, isa pa sa minomonitor ng kanilang hanay ang mga barangay na malalayo sa centro ng kabayanan, partikular sa San Guilermo, San Agustin at Echague, Isabela, na labis na nangangailangan ng presensiya ng kasundaluhan, kapulisan at tulong mula sa gobyerno.

Ayon pa kay P/Lt. Col, Pamor, sa tulong din ng mga residente ng bawat barangay na handang tumulong sa kanilang hanay kung saan ay nag dedeklara ng ‘’persona non grata’’ sa mga makakaliwang kilusan upang hindi na umano sila makakumbinsi sa mga inosenteng mamamayan.

Dahil dito, hinihikayat ng pamunuan ng IPMCF ang suporta ng publiko sa mga awtoridad laban sa insurhensya sabay pag-papaalala na huwag suportahan ang makakaliwang pangkat upang tutluyan nang mabuwag ito.

Ilan parin sa puntirya ng kanilang hanay kung saan ay tukuyin ang iba pang mga lugar na itinuturing na safe havens ng mga rebelde upang maipaabot rito ang mga programa at proyekto ng pamahalaan.

Ayon pa kay Pamor, ang target na barangay ay mabibigyan rin ng community support program ng pamunuan ng 2nd IPMFC katuwang ang 86th IB, LGU at iba pang stakeholders. IRENE V.
GONZALES

76 thoughts on “BAGONG FORCE COMMANDER NG 2ND IPMCF NANGAKO NG SEGURIDAD”

Comments are closed.