NAGSANIB-PUWERSA ang Bagong Henerasyon at Rotary International District 3780 para makapag-produce ng mobile rapid screening facility na laan sa sektor ng negosyo upang ma-test sa COVID-19 ang mga manggagawa.
Ayon kay House Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera, plano nila ang magkaroon ng inisyal na limang yunit ng mobile COVID-19 testing trucks para sa rapid antibody tests.
Sinabi ni Herrera, katuwang nila sa rapid testing project ang B&B Trainings and Holdings Inc., ay iaalok sa mga kompanyana may discounted price, at “relatively cheaper” kumpara sa mga test sa iba’t ibang ospital at laboratoryo.
“We are doing this to help companies, particularly MSMEs (micro, small and medium enterprises), which could not afford to set up their own testing booths but eagerly wanted to have their employees tested for the deadly disease,” ayon kay Herrera.
Sinabi ng kongresista na maraming negosyo ang nagbukas nang bahagyang lumuwag ang lockdown restrictions subalit marami pa ring natatakot na pabalikin ang kanilang mga tauhan na hindi mate -test sa COVID-19.
“These companies cannot take the risk of restarting business if anyone is infected or suspected,” diin ni Herrera.
Aniya, ang mobile COVID-19 testing project ay may collaboration sa Diagnostica de San Vicente.
Kamakailan ay lumagda sa kasunduan ang Bagong Henerasyon at Rotary International District 3780, kung saan si Herrera ay nagsisilbi bilang district governor sa Quezon City local government para sa rapid testing para sa frontline workers.
Makikipag-tie up din sila sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ng Department of Health (DOH) para sa polymerase chain reaction (PRC) test kung RAT result ay positive.
Ipapagamit din ni Herrera ang sariling truck sa unang set ng mobile rapid testing trucks na unang ginamit bilang mobile schools para sa computer training sa mga estudyante.
Comments are closed.