BAGONG LAYA KRITIKAL SA PAMAMARIL

Pamamaril

ISANG kalalaya lamang na bilanggo ang nasa kritikal na kondisyon makaraang pagbabarilin ng riding in tandem suspects kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Agaw-buhay ngayon sa Saint Claire Hospital sanhi ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na kinilalang si Dennis Gile, 24-anyos, residente ng 2B, 207, NHA Merville Access Road, Pasay City.

Base sa report na isinumite ng Makati City police sa Southern Police District (SPD), nangyari ang insidente dakong alas-9:00 kamakalawa ng gabi sa panulukan ng Filmore at Ampere Sts., Brgy. Palanan, Makati City.

Sa imbestigasyon na isinagawa ni P/Chief Master Sergeant (SPO3) Rico Caramat ng Makati City police Station Investigation and Detective Management Branch (SDMB), napag-alaman sa live-in partner ng biktima na si Agatha Mae S. Bernardo na nagkaroon ng pagtatalo sa hindi pa malaman na dahilan si Gile at isa sa mga suspek na hindi niya napangalanan. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.