PASAY CITY – OPISYAL na pinanumpa kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lt. Gen. Allen Paredes bilang bagong commanding general ng Philippine Air Force (PAF).
Si Paredes na miyembro ng Philippine Military Academy Maringal Class of 1988, ay magsisilbing ika-37 pinuno ng Air Force epektibo ngayong araw ng Biyernes.
Sa turn-over/change of command ay pinasalamatan nito ang Pangulo sa tiwalang ibinigay sa kanya ng commander-in-chief para halinhan si Briguez na nagretiro matapos na sapitin ang kanyang mandatory retirement age.
Pinapurihan ni Armed Forces of the Philippines, chief of staff Lt. Gen. Felimon T. Santos ang pagkakatalaga sa dating PAF Air Logistic Command chief bilang bagong pinunuo ng Hukbong Himpapawid simula ngayong Biyernes
Inaasahang na ang nakaambang changing of guards sa liderato ng AFP bunsod ng mga nakatakdang pagreretito ng ilang senior generals sa Hukbong Sandatahan.
Nabatid na sa susunod na buwan ay posibleng ihayag na rin ng Pangulo ang bagong pinuno ng Philippine Navy kahalili ng ma-greretirong si Vice Adm Robert Empedrad.
Bukod pa rito ang inaantabayanang pagtatalaga ng pinuno ng AFP Southern Luzon Command na pinamumunuan ngayon ni MGen. Marcelo Arnulfo Burgos 2nd Infantry Division commander bilang Officer in charge.
Una ng kinumpirma ni Santos na dating pinuno ng AFP Eastern Mindanao Command ang nakaambang shake up sa Sandatahang Lakas.
Habang noong Disyembre ay nabakante rin ang puwesto ng Southern Luzon Comand nang italaga si Lt. Gen Gilbert Gapay bilang Philippine Army chief at pansamantalang pinahawakan kay Maj. Gen Arnulfo Marcelo Burgos bilang officer in charge.
Si Burgos ay ini-endorso ng AFP Board of General para sa SOLCOM post.
Habang magreretiro naman sa Pebrero 3, 2020 si Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Robert Empedrad kung saan matunog na hahalili sa kanya ang pinakaqualified at most senior Navy Officer Rear Admiral Giovanni ‘Joby’ Bacordo. VERLIN RUIZ
Comments are closed.