BAGONG PATAKARAN SA PH SEA GAMES

Sea Games

INANUNSIYO kahapon ng SEA Games Federation Council ang bagong patakaran para sa hosting ng Filipinas sa 30th South East Asian Games na pormal na bubuksan ngayon sa Philippine Arena sa Bulacan.

Sinabi ni SEA Games Executive Committee Chairman Celso Dayrit na sa inisyatiba ng SEA Games Federation at ni Philippine Olympic Committee president Abraham ‘Bambol’ Tolentino, ang bronze medal ay igagawad kahit tatlong bansa lamang ang lalahok sa isang event.

“The current rule is, if for instance in boxing, only 3 countries are entered in a certain weight category, only a gold and a silver medal are to be awarded. The third placer gets nothing,” ani Dayrit.

“The Games are suppossed to be about the athletes. So why penalize an athlete who sacrifices, trains and participates, places third and is deprived of a medal because other countries withdrew at the last minute? That’s not his fault,” pagbibigay-diin ni Tolentino.

May suporta ng lahat ng member countries, ang exemption mula sa kasalukuyang patakaran ay inisponsoran ni Prof. Charoen Watanasim ng Thailand at inaprubahan na walang tumutol.

Naniniwala si Ramirez na sa 11 araw na kumpetisyon ay makikipagpukpukan ang mga atletang Pinoy upang magbigay ng karangalan sa bansa sa harap ng kanilang mga kababayan.

“From our forebears who have shown the skillfulness of the Filipino athlete and our natural inclination to being champions, I have faith that our present breed of athletes will also meet their destiny with success,” sabi ni Ramirez.

Comments are closed.