NADISKUBRE ang bagong species ng sardinas na matatagpuan lamang sa Manila Bay at sa iba pang bahagi ng baybayin sa bansa.
Sa lumabas na peer-reviewed journal article nina Japanese taxonomists Harutaka Hata at Hiroyuki Motomura, tinawag ang bagong species ng sar-dinas na “sardinella pacifica” na matatagpuan lamang sa bansa.
Nakita ang naturang mga isda sa Manila Bay, Quezon, Sorsogon at Samar.
Kaugnay ng pagkakadiskubre ng bagong species ng sardinas, umapela ang grupong Oceana Philippines kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang lahat ng reclamation project na nakalinya sa Manila Bay.
Anila, posible maging napakagandang legasiya ng Duterte administration ang mayamang ecosystem ng Manila Bay patunay ay ang bagong pagka-kadiskubre ng bagong species ng sardinas sa katubigan ng bansa. DWIZ