BAGONG WEBSITE PUPUKSA SA LAHAT NG URI NG SCAMS

INANUNSIYO kahapon ng Pinas Forward ang paglulunsad sa bago nitong website, www.scamba.ph, na dinisenyo upang bigyan ang publiko ng mga paraan para labanan ang lahat ng uri ng scams.

Ang website ay nagbibigay-daan para malaman ng mga user kung ang mensahe na kanilang natanggap via text message o email ay potensyal na scam messages.

Ang website ay nagkakaloob din ng impormasyon sa iba’t ibang uri ng scams, kabilang ang love scams, task scams, scams na tinatarget ang senior citizens, fake donation drives, at e-wallet scams. Kinabibilangan din ito ng tips sa kung paano matutukoy at maiiwasan ang scams, at kung ano ang dapat gawin kapa nabiktima ng scam.

“Scammers are constantly coming up with new ways to cheat people out of their money,” sabi ni Gian Paolo Pangan, presidente ng Pinas Forward.

“Our website provides the public with the information and resources they need to protect themselves from these scams, regardless of their age, income, or education level,” dagdag pa niya.

Ang website ay madaling gamitin at hanapin, at available ito kapwa sa English at Filipino. Isa rin itong mobile-friendly, kaya maaari itong i-access kahit saan, kahit kailan.

Hinihikayat ng Pinas Forward ang lahat na bisitahin ang website at dagdagan ang kaalaman hinggil sa kung paano poprotektahan ang mga sarili mula sa scams.

“In addition to providing information and resources, the website also features a blog with articles on the latest scams, as well as a forum where people can share their experiences and ask questions,” ayon pa sa Pinas Forward.

Ang Pinas Forward ay nakatuon sa pagkakaloob sa publiko ng mga impormasyon at resources na kanilang kailangan para protektahan ang kanilang mga sarili mula sa scams. Ang paglulunsad sa bagong website ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagkamit ng layuning ito.

Tungkol sa Scam Ba?
Ang Scam Ba? ay isang inisyatibo na nakatuon sa pagpapataas ng kamalayan hinggil sa scams at binibigyan ang mga user ng kasangkapan at kaalaman na kanilang kailangan upang maging ligtas mula sa digital threats. Ang core mission ng platform ay ang linangin ang mas ligtas, scam-free digital landscape sa Pilipinas.

Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa https://www.scamba.ph/