(Bagsak sa BMI evaluation) 99 CHUBBY COPS SA REGION 9 MASISIBAK

Matabang pulis

CAMP CRAME – POSIBLENG masibak sa serbisyo ang 699 na mga pulis mula sa PNP-Region 9 kung hindi nila mai-papasa ang Body Mass Index (BMI) evaluation ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Region 9 Regional Director Brig. Gen. Froilan Flores Quidilla mayroong 7,574 na pulis sa buong Region 9,  699 o 9.23 percent  dito ang ikinokonsiderang obese batay na rin sa isinagawang BMI evaluation kahapon.

Aniya, ni-recall na mula sa kanilang mother units patungo sa  regional headquarters ng PNP region 9 ang mga pulis na ito para patuloy na  isailalim sa BMI evaluation na bahagi ng PNP internal cleansing program.

Batay sa PNP Revised Body Mass Index ang mga pulis na obese o sobrang taba ay dapat na makapagbawas ng timbang na 2 kilogram kada buwan.

Habang ang sobrang payat naman o severely underweight ay dapat na madagdagan ng 1 hanggang 3 kilo kada buwan.

Tiniyak ni Quidilla na mahigpit niyang imomonitor ang body mass index ng kanyang mga tauhan upang physically fit ang mga ito sa pagtupad ng kanilang tungkulin. REA SARMIENTO

Comments are closed.