HANDA ang Pilipinas, sa pangunguna nina seasoned aces Bryan Bagunas at Marck Espejo, na makipagsabayan sa mga katunggali sa pag-host nito sa second leg ng inaugural Southeast Asia (SEA) Volleyball League ngayong Biyernes sa City of Santa Rosa Multi-Purpose Complex sa Laguna.
Sina Bagunas at Espejo, dalawa sa top spikers ng bansa, ay magbabalik sa national team sa V.League upang bumuo ng lethal troika kasama si rising star Steven Rotter, na nakamit ang Best Opposite Spiker honors sa first leg na idinaos sa Jakarta noong nakaraang linggo.
“They’re experienced players. They’re smart. They can share their experiences with others,” wika ni national men’s team head coach Sergio Veloso. “We can make a stronger job. I feel we can play better now.”
Makakaharap ng Pilipinas ang Thailand sa alas-7 ng gabi para sa main event matapos ang opener sa pagitan ng Vietnam at ng Indonesia sa alas-4 ng hapon. Susunod na makakasagupa ng hosts ang Indonesia at Vietnam sa Sabado at Linggo, ayon sa pagkakasunod.
Higit pa sa mga laro, binibigyang importansiya ng Pilipinas ang isa pang international tournament matapos ang matagumpay na pagdaraos ng Volleyball Nations League Men’s Week 3 kamakailan sa Mall of Asia Arena para sa ikalawang sunod na taon.
“Men’s volleyball is getting popular and we’re very happy to have our close neighbors with us here. We hope to expand next year with more countries,” sabi ni Philippine National Volleyball Federation president Ramon “Tats” Suzara sa event presser nitong Huwebes sa Seda Nuvali.
“This tournament is very important for Southeast Asia as we, the Philippines along with Thailand, Vietnam and Indonesia are bidding to host the 2025 Volleyball Women’s World Championship,” dagdag pa niya.
Ang Filipino spikers ay walang ipinanalo sa tatlong laro sa Jakarta subalit lumaban ito, lalo na sa huling laro kung saan tangan nila ang 2-0 lead laban sa Vietnam subalit kinapos sa five-setter defeat.
Nakumpleto ng Indonesia, sa pangunguna ni MVP Fahry Septian Putratama, ang unbeaten run upang maging first leg champion habang kinumpleto ng Thailand at Vietnam ang podium.
Sa pagkakataong ito, sa home, target ng PH ang breakthrough.
“It’s a competition so our target is victory,” ani Veloso.
Ang SEA VLeague women’s division ay gaganapin sa August 4-6 sa Vihn Phuc, Vietnam, at mula August 11hanggang 13 sa Chiangmai, Thailand.