QUEZON CITY – ANIM katao na nakatira sa barong-barong na nakatirik sa Culiat creek ang nasawi bunsod ng pagguho sa Sitio Tathala, Barangay Bahay Toro.
Kinilala ang mga nasawi na sina Nilo Manguso, 46; Ronald Conde, 65; Benito Anora, 45; Ryan Rigueros; Jun Gabin at Rey Gestro.
Nasa pagamutan naman ang kasamahan nila na si Efren Milan na nakaligtas sa insidente.
Sa imbestigasyon ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office, lumalabas na maaaring lumambot ang lupang kinatatayuan ng bahay kung saan nandoon ang mga biktima dahil sa naganap na pag-ulan.
May nakitang paglabag ang awtoridad sa 3-meter easement sa mga waterway kung saan nandoon ang bahay. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.