BAHAY NG EVACUEES BANTAY-SARADO

Cesar Hawthorne Binag

TULOY- tuloy ang patrolya ng mga pulis sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Rolly partikular sa mga nabakanteng lugar para maiwasan ang pagnanakaw.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations,  Lt Gen. Cesar Hawthorne Binag, nais pa rin masiguro ni PNP Chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan na walang mangyayaring nakawan sa lahat ng lugar na matinding sinalanta ng bagyo.

Sa ngayon,ani Binag ay walang naitatalang kaso ng pagnanakaw ang PNP.

Gayundin, bantay sarado rin ng mga pulis ang 15,000 evacuation centers na may 64,677 pamilyang pansamantalang namamalagi dahil apekto ng bagyong Rolly.

Nilinaw pa ni Binag, ibang grupo ng mga pulis ang nakatutok sa seguridad para hindi makapanamantala ang mga masasamang loob at iba naman para sa relief, search at rescue operation.

Sa ibinigay na datos ng PNP, may 8,000 pulis ang naka-deploy para sa search and rescue habang mahigit 18,000 mga pulis ang itinalaga para sa regular law enforcement. REA SARMIENTO

Comments are closed.