BAHAY NG PULIS PINASABUGAN

granada

SULTAN KUDARAT – MASUWERTENG walang nasugatan nang hagisan ng granada ang bahay ng isang pulis sa bayan ng Lambayong.

Gayunman, may person of interest nang sinusundan ang awtoridad kaugnay sa pagpapasabog sa Purok Linlingan, Brgy. Poblacion.

Sinabi ni Capt. Herman Luna, hepe ng Lambayong PNP, dalawang suspek ang itinuturong responsable kung saan isa sa kanila ang naghagis ng granada sa labas ng bahay ni Police Staff Sergeant Nilo Catajay habang ang isa nama’y naka-standby sa motorsiklo.

Batay sa analysis ng Explosive and Ordinance Team, isang M-26 grenade ang hinagis ng mga suspek.

Tinitingnan ng awtoridad na posibleng may kaugnayan sa kampanya kontra ilegal na droga o work-related ang naturang insidente.   PILIPINO Mirror Reportorial Team