BAHAY NI ANGEL LOCSIN SA QC IBINIBENTA

faceup

NAGHIHIRAP na ba si Angel Locsin? Kama­kailan lamang, nakitang naka-post ang FOR SALE sa malaking bahay ni Angel sa Kyusi na ipinatayo niya ga­ling sa kanyang pawis at hirap sa pag-aartista noong kanyang kasikatan sa GMA7. Truelala kayang naghihirap na ang misis ni Neil Arce? Kung kelan nag-asawa, saka naghirap?

Purita mirasol na raw si Angel dahil walang proyekto sa ABS-CBN? Hindi lang ninyo napapanood sa TV, naghihirap na? Di ba nitong pandemic, siya pa ang namudmod ng medical supplies sa mga ospital at namigay ng ayuda sa ating mga kababayan? Kahit kapwa artista ay tinulungan niya. Naku naman, bakit kayo judgmental?

Masinop si Angel sa pera. May condo at isang semi-building siya. Sobrang laki ng bahay ni Angel sa QC at kapatid lang niya at kasambahay ang nakatira kasama ng tatay niyang 94 years old. Nang pakasal siya kay Niel, sa ancestral house ng mga Arce siya tumira. Siguro gusto niyang makasama ang kanyang ama at mga kapatid. Sa totoo lang, mahirap i-maintain ang malaking bahay. Hindi pwedeng maghirap si Angel dahil may negosyo siya pero, ayaw lang nilang ipagmakaingay.

 

ALDEN RICHARDS MAY PASABOG NEXT YEAR

BUKOD sa abala sa pag-arte sa telebisyon at paggawa ng pelikula at TV commercial, may oras pa rin si Alden Richards gumawa ng show. Nagagamit niya ang husay niya sa pagkanta. Ilang beses na ba siya nag-concert.

Sa Enero 30, 2022, isang documentary concert ang magaganap na ang titulo ay ForwARd.(Meet Alden Richards, jr.) Malaking project ito. Hindi ito performance concert kundi purpose concert na punung-puno ng puso. Mula ito sa pagkabata ni Alden, na­ging kontesero, hanggang sumali sa Startruck at ngayon, sikat na celebrity. Kasabay rin nito ang paglulunsad ng AR Foundation, kaya gan’un na lang ang tuwa ng kanyang mga supprters.

Sa mga televiewers, mapapanood na ang The World Between Us mula sa Lunes, Nobyembre 22.

JOHN LLOYD, SEGURISTA

PINAG-ARALANG mabuti ni Rambo Nunez, manager ni John Lloyd Cruz, ang alok ng GMA-7. Hindi lang artista si Lloydie kundi partner at co-producer sa TV sitcom. May sarili pa siyang production staffs. Once a week ‘yan, kaya kung may alok mang teleserye kay Lloydie, pwedeng tanggapin matapos pag-aralang mabuti. Yung iba artista na nag-ober da bakod per project basis. Kung exclusive ka naman, hindi ka pwedeng makipag-deal sa ads endorsement. Pero si Lloydie at Bea, walang gano­ong restriction. No doubt, top earners sila sa syobis.