BAHAY O CONDO ANO ANG BIBILHIN KO?

condo

Kung pipili ka ng bibilhin dahil gusto mong mag-invest ng pera, ano ang bibilhin mo, condo ba o house & lot? Kung tutuusin, mas praktikal bumili ng condominiums kung investment ang usapan kesa bahay at lupa dahil mas mura. Sa mga darating na araw, makakaiwas pa ang owner sa stress.

Mas mura talaga ang condo kesa bahay at lupa dahil mas maliit ang espasyo, at mas mura rin ag maintenance dahil bilang may-ari, responsable ka lamanag sa loob ng tahanan mo. Hindi mo kailangang magpa-landcaping, wala kang bubong na ime-maintain, o labas ng bahay na papipinturahan, dahil ang condo board o Homeowners’ Association na ang bahala sa lahat ng iyon.

Syempre, mas mahal ang bahay at lupa kesa condo dahil hindi lamang bahay ang babayaran mo kundi pati ang lupa. Mas malaki rin ang space na maookupa nito dahil meron kang front yard at backyard. Kung     presyo per square meter (sqm) ang basehan, mas mura pa nga sa biglang tingin ang bahay at lupa. Ang median list price per sqm sa mga bahay at lupa sa Metro Manila ay PHP 64,894, habag ang condo ay PHP 161,236 per sqm. Mas mura, pero kung kukwentahin mo ag maintenance taon-taon, malaki rin ang aabutin.

Kug hindi ka pwede sa mallit at compact na bahay, o kung hindi ka minimalist, hindi para sa iyo ag condo.

Kung sabagay, may ilang condo na nag-o-offer ng extra storage space o basement, pero maliit at compact pa rin ang living environment. Isa pa medyo malaki ang HOA fees dahil may mga ammenities tulad ng gyms, swimming pools, community thea­ters, at play areas na nangangailangan ng mahal na maintenance.

housePero mas okay bumili ng condo kesa magrenta ng bahay. At least, sa’yo ang unit na pwede mong ibenta kapag ayaw mo na.

Mas mababa rin ang down payment ng condo kesa house and lot, ay classy pa ang standard of living. May security service pa, at kung may party, laging may available na space, kahit pa kasal yan, binyag o debut. Hindi na kailangan ang mamahaling hotel o anumang venue.

Ang positive effect ng pagtira sa condo ay ang pagiging accessible ng location. Natural lang na hindi ka pipili ng condo na malayo sa trabaho mo. Bukod diyan, nakasisiguro ka ng safe environment – kesa house and lot na hindi mo kilala ang mga kapitbahay na posibleng may criminal records – pwede rin namang mababait sila pero hindi ka sigurado.

Kung nakatira ka sa condo, marami ka talagang financial obligation kesa kung meron kang house and lot. Pero luxurious naman ang pamumuhay mo. Pwede kang mag-swimming kahit araw-araw. Hindi mo kaila­ngang lumayo para pumunta sa gym. May coffeeshop kung tinatamad kang magluto. Laging malinis ang corridor dahil nagbabayad ka ng maintenance fee. May security guard 24 hours a day at may CCTV sa halos lahat ng lugar kaya kitang-kita kung sino ang naglala­bas-masok sa inyong building. Minsan, may mini theater pa, tennis court at basketball court. Bukod dyan, malapit din ang mga supermarkets, groceries at ospital sakaling may emercencies. Yan po ang mga advantage ng condo living.

Sa isang banda, iba pa rin talaga ang bahay at lupa, lalo na kung mahilig ka sa garde­ning.

Yes, tumataas din naman ang presyo ng condo, pero mas mabilis ang appreciation ng house & lot.living room Halimbawa, mula 2017 hanggang 2018, tumaas ang presyo ng condo ng 3% habang 5% naman ang itinaas ng presyo ng bahay at lupa.

Kung nakabili ka na ng condo, okay lang. Sabi nga natin, mas mabuti na yan kesa umupa. Saka kung classy living ang style mo, pang-condo ka talaga!

Pero kung simple lang ang lifestyle mo at hindi ka naman gaanong bored kapag nata-traffic, house and lot ang bahay sa’yo.

O, nakapagdesis­yon na ba kayo? Ano ang bibilhin mo, bahay at lupa o condo? – NV

45 thoughts on “BAHAY O CONDO ANO ANG BIBILHIN KO?”

  1. 61608 867627Spot up for this write-up, I truly believe this internet web site requirements a terrific deal a lot more consideration. Ill likely to end up once more to read a good deal far more, a lot of thanks for that data. 111588

  2. 540645 226948We are a group of volunteers and opening a new scheme in our community. Your web web site given us with valuable data to function on. Youve done an impressive job and our entire community is going to be grateful to you. 30941

Comments are closed.