PAWANG mga career official ang napiling pumuno sa mga bakanteng puwesto sa Korte Suprema sa ilalim ng pamumuno ni Chief Justice Teresita De Castro.
Sa pamamagitan ng botohan sa Supreme Court En Banc, nahirang bilang Clerk of Court ng SC First Division si Atty. Librada Buena na papalit sa puwestong iniwan ni Atty. Edgar Aricheta na nahirang noon bilang Clerk of Court ng Supreme Court En Banc.
Tatlumpung taon nang nanunungkulan sa Korte Suprema si Buena na nagsimula bilang librarian ng Kataas-taasang Hukuman.
Si Atty. Ma. Carina Cunanan ay nahirang naman bilang pinuno ng Office of the Administrative Services.
Mahigit 20 taon na sa Korte Suprema si Cunanan na miyembro ng Bids and Awards Committee.
Itinalaga naman bilang Deputy Court Administrator for Mindanao si Atty. Leo Madrazo na nagsilbi bilang Regional Trial Court Judge ng Davao City.
Nauna nang tinukoy ni De Castro na sa loob ng maikling panahon na panunungkulan bilang punong mahistrado, nais niyang maalala bilang opisyal na nagbalik ng “collegiality” sa Korte Suprema kung saan nananaig ang kagustuhan ng mayorya sa en banc. TERESA TAVARES
Comments are closed.