BAKBAKAN NA SA PSL

PSL 2018-2

Mga laro ngayon:

(Filoil Flying V Centre)

2 p.m. – Smart vs Sta. Lucia

4:15 p.m. – Petron vs Cocolife

7:00 p.m. – F2 Logistics vs Cignal

SISIMULAN ng F2 Logistics ang mahabang paglalakbay para makabalik sa trono sa isang eksplosibong triple-header para sa opening salvo ng ­Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference ngayon sa Filoil Flying V Centre.

Determinado ang Cargo Movers na igiit ang kanilang dominas­yon kung saan sisimulan nila ang kanilang kampanya laban sa Cignal sa alas-7 ng gabi.

Makakasagupa naman ng reigning champion Petron ang Cocolife sa alas-4:15 ng hapon matapos ang 2 p.m. encounter sa pagitan ng Smart at Sta. Lucia.

Ang liga ay pormal na magbubukas sa Ynares Sports Center sa Pasig City sa Sabado simula sa pares ng salpukan sa Collegiate Grand Slam, ang pinakabagong torneo ng liga na tinatampukan ng anim sa pinakamahuhusay na college teams sa bansa.

Subalit sa All-Filipino ng twin tourneys na ito, ang lahat ay tiyak na nakatutok sa F2 Logistics.

Ang Cargo Movers ay muling pangungunahan nina Aby Marano, Cha Cruz, Majoy Baron, Ara Galang, Dawn Macandili, Kianna Dy, Kim Fajardo at ng iba pang kasalukuyan at dating players ng De La Salle University.

Noong nakaraang taon ay yumuko sila sa Blaze Spikers, subalit bumawi para kunin ang Grand Prix title pagkalipas ng ilang buwan sa pangunguna nina Venezuelan MJ Perez at American Kennedy Bryan bilang reinforcements.

Ngayong taon, ang F2 Logistics ay nakahandang bawiin ang kampeonato.

“We are ready to do everything to win the crown,” wika ni assistant coach Noel Orcollo.

“This conference is probably the most difficult conference to win. This is not an easy conference as all teams prepared well. Every team is a team-to-beat. But our owners didn’t spend a huge amount for us to slack off. We will give other teams a very good fight.”

Comments are closed.