MATINDI ang labanan sa PBA Best Player of the Conference kung saan ang mga naglalaban-laban ay sina Ray Parks ng TNT Tropang Giga, Matthew Wright at Calvin Abueva ng Phoenix Super LPG, at Stanley Pringle ng Barangay Ginebra. Sinuman man ang manalo ng naturang award sa nabanggit na mga pangalan ay deserving naman. Pare- pareho silang may ginampanang papel sa kani-kanilang team sa katatapos na PBA bubble. Good luck!
vvv
Hindi akalain ni Justine Chua ng Phoenix na kandidato siya para sa Most Improved Player. Kung siya man ang manalo ng award ay deserved niya ito sa magandang ipinakita niya sa katatapos na PBA bubble, lalo na nang magkaroon ng Injury si Matthew Wright ay malaki ang naitulong niya sa team. Hindi nga akalain na may ganoong laro si Justine na mapipiga pala ang laro nito kapag kailangan. Dalangin nga ni Chua ay makuha niya ang MIP award na isang magandang regalo sa kanya para sa taong 2021.
vvv
Abalang-abala pala itong si Ricci Rivero sa paggawa ng Indie film. Sinamanta ng UP Maroon ang oras habang wala pang UAAP at walang ensayo. At malabong magkaroon ng 82nd UAAP season ngayong 2021 dahil sa nagaganap na pandemic. Nag-i-enjoy naman ang basketbolista sa pag-arte sa harap ng camera. Miss na rin ni Rivero ang paglalaro.
vvv
Pinabulaanan ni team manager Dickie Bachman na isang taon lang ang ibinibigay nilang bagong kontrata kay Vic Manuel. Ayon sa kanya, two years contract ang offer nila sa player taliwas sa sinasabi ni Manuel at ng agent nito. Nagulat umano ang management sa lumabas social media na nagpapa-trade ang dating player ng PSBA.
Expired na ang kontrata ni Manuel sa Alaska Aces. At may karapatan itong mamili ngayon kung saang team niya gustong maglaro. Nagkakainteres sa kanya ang Ginebra, San Miguel, TNT etc. Tsika ng On the Spot, kung si Vic ang masusunod, mas nais niyang makalaro sa Phoenix para makasama niya muli sa team ang kanyang best friend na si Calvin Abueva.
Pero walang lugar si Manuel sa kampo ng Fuelmasters. Ang tanong ay sakaling pakawalan ng Aces si Manuel para sa Gin Kings, sino ang magiging kapalit nito sa team
gayong ang hiling ni coach Tim Cone sa Ginebra management ay huwag galawin ang kanilang line up para intact pa rin ang kampo ng Barangay Ginebra.
Comments are closed.