Laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
7 p.m. – Ginebra vs Magnolia
Game 1, best-of-3 quarterfinals
ANG Barangay Ginebra at Magnolia Pambansang Manok ay kapwa titleholders mula sa kanilang championship conquests sa import-laden conferences noong nakaraang season. Subalit ngayon ay isa lamang sa kanila ang matitira upang makipagbakbakan para sa 2019 PBA Philippine Cup crown.
Ang Gin Kings, ang Commissioner’s Cup titlists, at ang Hotshots, ang Governors’ Cup champs, ay magsasagupa sa isang eksplosibong best-of-three quarterfinals showdown simula ngayon sa Mall of Asia Arena.
Nakatakda ang bakbakan sa alas-7 ng gabi.
“More than it being the Manila Clasico, it’s the first game of a short series, therefore that makes it crucial for both teams,” wika ni Ginebra coach Tim Cone.
Naisaayos ng Gin Kings at ng Hotshots ang rematch ng kanilang semifinal showdown noong nakaraang conference nang mag-tapos sa No. 3 at No. 6, ayon sa pagkakasunod, sa one-round-robin elimination phase.
Namayani ang Kings sa kanilang eliminations game, 97-93, noong Marso 17, subalit nagwagi ang Hotshots sa kanilang huling playoff matchup sa Governors’ Cup Final Four.
“I do believe we’re peaking at the right time and we’re looking forward to our battle with Ginebra,” sabi ni coach Chito Victolero, na ang tropa ay sasakay sa momentum ng three-game romp papasok sa Game 1 ng kanilang race-to-two-games series sa Kings.
“We know Paul Lee and company are going to be ready so we need to be at our best,” aniya.
Sa labanan sa frontline, parehas ang lakas ng dalawang koponan subalit nakalalamang ang Ginebra sa low post dahil sa twin towers nina Greg Slaughter at Japeth Aguilar. Kailangang magtrabahlo nang husto nina Ian Sangalang at Rafi Reavis para ma-neutralize ang twin towers sa shaded area.
Sa coaching ay malaki ang kalamangan ni coach Tim Cone kay Chito Victolero dahil sa kanyang mahaba at malawak na kara-nasan kung saan siya ang ‘winningest coach’ ng liga na nanalo ng mahigit sa 10 PBA titles, 11 sa Alaska, ang team na una niyang hinawakan sa PBA.
Samantala, isang titulo pa lang ang nakuha ni Victolero sa nakaraang Governors’ Cup kontra Alaska na hawak ni coach Alex Compton. CLYDE MARIANO
Comments are closed.