BAKBAKANG UMAATIKABO (Ginebra-TNT titular showdown simula na)

ravena,cone

Laro ngayon:

AUF Gym

6 p.m. – Ginebra vs TNT

INAASAHAN ang mainit na bakbakan sa pagsisimula ng best-of-seven title showdown sa pagitan ng Barangay Ginebra at ng TNT Tropang Giga ngayong araw sa AUF Sports Center Powered by Smart 5G.

Nakatakda ang laro sa alas-6 ng gabi.

“I think we’re the slight underdogs as they’ve been playing pretty well. They’re well coached and they’ve got Jayson (Castro) who is the difference maker,” pahayag ni Ginebra coach Tim Cone.

“Playing against Ginebra is tough. They have a coach who’s very experienced, especially in the finals. We were outplayed by them in the elims. We will do our best to play well,” sabi naman ni TNT mentor Bong Ravena.

Ang kakaibang torneo sa gitna ng pandemya ay nauwi sa dream faceoff sa pagitan ng dalawang koponan na hitik sa talento  na naghahangad na wakasan ang mahabang tagtuyot sa pinakaprestihiyosong torneo sa liga.

Ang Ginebra ay isang ‘dominant force’ sa  Governors’ Cup sa nakalipas na tatlong taon subalit hindi pa nagwawagi ng all-Filipino crown sa loob ng13 mahabang taon.

Samantala, ang TNT ay determinadong mabawi ang trono sa torneo kung saan nagkaroon ito ng dynastic reign, sa pagwawagi ng apat na titulo sa limang seasons simula noong 2009.

Ang dalawang koponan ay may matinding pagnanasa na maging successor sa dethroned five-time defending champion San Miguel Beer.

Ang Kings at Tropang Giga ay kapwa dumaan sa limang laro tungo sa finals. Dinispatsa ng Ginebra ang Meralco, habang pinataob ng TNT ang Phoenix sa Game 5.

Pangungunahan nina Stanley Pringle, LA Tenorio, Japeth Aguilar, Scottie Thompson at Joe Devance ang Ginebra na target ang ika-4 na all-Filipino title at ika-13th overall para sa franchise.

Sasandal naman kina Jayson Castro, Bobby Ray Parks Jr., RR Pogoy, Poy Erram at Troy Rosario ang TNT na puntirya ang ika-6 na AFC diadem at ika-8 overall para sa MVP Group flagship. CLYDE MARIANO

Comments are closed.