BAGO sana isipin ng PBA na magdaos ulit ng bubble game ay unahin muna nila na magkaroon ng bakuna ang mga player. Kaysa ‘yung bubble games na gagastusan nila ng almost P65 million ay bumili na lang muna ng COVID-19 vaccines para sa mga player na gagastos lamang ng P20M.
Kung tutuusin ay yakang-yaka ito ng SMC at MVP Group. Sigurado pang ligtas ang mga basketball player natin. Saka kapag nag-bubble game ulit ay walang kasiguruhan kung hindi na magkakaroon ng COVID ang mga nasa loob ng bublle.
Katunayan, wala pang player na sumasagot kung sasama sa bubble game. Ang PBA governors at team managers ay hindi nag-i-stay sa loob ng bubble, kaya labas pasok pa rin sila. Kahit sabihin pa na malayo ang lugar nila habang nanonood sila ng laro, ang virus ay lumilipad sa hangin, bawat salita nila kahit papaano ay nakakawala sa hangin ang kanilang mga laway.
Kaya dapat bakuna muna ang unahin ng PBA bago ang lahat. Kahit sa Mayo pa magsimula ang 46th season ng PBA, basta may bakuna.
Nagsalita na si Blackwater Bossing team owner Dioceldo Sy na hindi nila iti-trade si Carl Bryan Cruz. Kailangan umano nila ang kalibre nito sa kanilang team. Lalo na at naipamigay na nila si Mac Belo sa Meralco Bolts. Si Cruz ay naging member ng Gilas Pilipinas noong panahon ni coach Chot Reyes. Kaya nga nagkakainteres din ang TNT Tropang Giga kay Cris dahil alam ni cosch Reyes kung anong klaseng laro mayroon si CBC. Malakas ito, may tira sa labas at malakas ang depensa. Hindi lang alam gamitin ito ni coach Jeffrey Cariaso kaya ipinamigay nila ang dating San. Sebastian player .
Abangan na lamang natin kung totoong hindi iti-trade si Cruz ng Blackwater. Baka nagpapataas lang ng presyo kasi hindi pa nakakaporma si CBC sa Bossing ay nadale agad ng injury kaya nga hindi ito nakasama sa bubble game noon.
Dapat pala itong si L. A Tenrorio ng Barangay Ginebra kung hindi naging basketball player ay isa na itong ganap na pari. Noong high school siya, sa Don Bosco Makati, ay naging sakristan ito sa mga misa sa simbahan.. Nais kasi ng uncle ni Tinyente na magkaroon ng isang pari sa kanilang pamilya. Pero hindi na itinuloy ni Tenorio ang pagiging sakristan. Kasi may isang ganap na hindi niya makakalimutan, noong may misa ay nakalimutan nito ang uniporme niya bilang sakristan. Sa kamamadali, ‘yung uniporme ng pari ang kanyang nasuot, eh mahaba. Napatid siya at natumba, sa kahihiyan sa nangyari ay hindi na siya nagpakita sa simbahan.
OKs naman ang nangyari dahil sumikat naman siya bilang basketball player. Napunta siya sa Ateneo Blue Eagles at nakilala bilang isang mahusay na point guard. Hanggang ngayon ay patuloy ang pagkilala sa kanyang pangalan. Isa sa ipinagmamalaki ng kampo ng Gin Kings. Sa edad niyang 34 ay malayo pa ang lalakbayin ni L.A. Matutulungan pa niya ang kampo ni coach Tim Cone.
739576 860534Completely composed content material material , Genuinely enjoyed examining . 330832
161669 508329View the following suggestions less than and discover to know how to observe this situation whilst you project your home business today. Earn funds from home 647042