BALANGAY PRODUCTIONS, TAMPOK SA KRITIKA KULTURA READING SERIES

BALANGAY PRODUCTION

ITATAMPOK ng Kritika Kultura—kasama ng Department of Fine Arts and Kagawaran ng Filipino (AdMU)—ang isang pa-nayam ng mga patnugot at manunulat ng Balangay Productions, isang palimbagang nagsusulong ng alterna­tibong paraan ng paggawa at paglimbag ng aklat.

Ang mga tagapagsalita ay sina Mesándel Virtusio Arguelles, Maricristh Tuando Magaling, Ime Morales, Beverly Siy, RM Topacio-Aplaon, at Ronald Verzo.

Magkakaroon rin ng pagtatanghal ng mga kasapi ng Lunduyan ng mga Bulakenyong Artista’t Manunulat (LAMBAT), at ang pag­lunsad ng At Night We Are Dancers ni RM Topacio-Aplaon at Lola Ora ni Princess Erika Solitario. Ang panayam ay sa Miyerkoles, ika-13 ng Hunyo 2018, mula 5:00 p.m. hanggang 7:00 p.m., sa SEC B 201A, Ateneo de Manila University.

Bukas sa lahat ang panayam.

 TUNGKOL SA PANAYAM

Ang Balangay Productions ng mag-asawang manunulat na Bebang Siy at Ronald Verzo ay isinilang dahil BALANGAY PRODUCTIONsa ilang puwang na na­kita ng dalawa sa produksiyon ng panitikan. Dahil na rin sa araw-araw na pakikisa-lamuha sa mga manunulat at komunidad nito, nagdesisyon ang dalawa na gamitin ang Bala­ngay Productions para makatulong na mabago ang ilang practices na ‘di patas, at magkaroon ng alternatibong paraan para gumawa at mag-limbag ng aklat.

Sa panayam na ito, maririnig ang mga pinanggalingan at pa-ngangailangan na ito, gayundin ang mga pa-ngarap ng Balangay para sa mga manunulat at komunidad. Matutunghayan natin kung paano nakikipagtulungan ang Balangay sa buong proseso, mula sa pagsusulat, pagsasaaklat, pagpapalimbag hanggang sa pagpapayaman ng silid-aklatan.

Tampok din sa panayam ang Lunduyan ng mga Bulakenyong Artista’t Manunulat (LAMBAT) na kakatawanin ni Maricristh T. Magaling, at sina RM Topacio-Aplaon, Ime Morales, at Mesándel Virtusio Arguelles. Tatalakayin nila ang kanilang mga aklat sa Balangay at ang naging proseso sa pag-gawa at paglilimbag nito.

May mga pagtatanghal din mula kay Jesus Calvario, at mula sa kasapi ng LAMBAT, kabilang sina Julius Gregorio, Michael Angelo Santos, Jaime Villafuerte, Margaux Gavieres, Mary Deane Camua, Israel Saguinsin, Jenina Reyes, Jasmin Joy Reyes, Princess Erika Solitario, Adela Corazon Silva, Jeniña dela Cruz.

Ilulunsad din ang ilang bagong aklat ng Balangay at dadaluhan ng ilan pang manunulat na nagpalimbag na sa Balangay.

Ang panayam ay lib­re at bukas sa publiko. Inaanyayahan din ang mga guro at estudyante ng panitikan, malikhaing pagsulat, asignaturang Ingles, Filipino, Komunikasyon, at Contemporary Arts.

TUNGKOL SA MGA TAGAPAGSALITA

Mesándel Virtusio Arguelles is the author of 17 books of poetry in Filipino including Kurap sa Ilalim (DLSU Publishing House, 2016) and Pesoa (Bala­ngay Books, 2014), both finalist for the National Book Award in 2015 and 2017. His volume of selected poems from 2002 to 2014, Ang Iyong Buhay ay Laging Mabibigo, was published by Ateneo de Naga University Publishing House in 2016. In 2017, Talik (Balangay Books), the first book in his Talik Trilogy, was released. A recipient of multiple national awards including Maningning Miclat Award for Poetry and Don Carlos Palanca Me-morial Awards for Literature, Arguelles has also received fellowships from UP National Writers Workshop (2000 and 2012) and Bienvenido N. Santos Creative Writing Center National Workshop on Art and Cultural Criticism (2016). He is co-editor of the online journal hal., works as a book editor and translator, and teaches literature and creative writing at the De La Salle University—Manila where he also pursues doctoral studies. Translations in Eng-lish of his poems by Kristine Ong Muslim have been published or are forthcoming in a number of international publications such as Circumference: Poetry in Translation, Construction Magazine, The Cossack Review, The Adirondack Review, The Missing Slate, and Asymptote. A full-length CD album of his poems set into music titled Namamatay ang mga Nagmamahal will be released in March 2018.

Tubong Bulakan, Bulacan, si Maricristh Tuando Magaling ay gradweyt ng MA Araling Pilipino sa Unibersidad ng Pilipinas. Kasalukuyan siyang nagtuturo sa programang BA Malikhaing Pagsulat sa Bulacan State University. Naging fellow sa tula sa pambansang palihan ng Ateneo at UP. Nalatha-la na ang ilan niyang mga akda sa Anvil, Ateneo Press, Cultural Center of the Philippines, UP at PUP Press at sa iba pang publikasyon. Mi­yembro siya ng Lunduyan ng Bulakenyong Artista’t Manunulat (LAMBAT).

Bago mapunta sa akademya ay naging risertser din ng isang non-government organization at nanaliksik hinggil sa kalagayan ng mga mang­gagawa sa garments, engklabo, call centers, at sa multinasyunal na korporasyong agrikultural sa Mindanao.

Si Ime Morales ay nagsusulat ng tula sa Ingles, at paminsan-minsan ay nagsusulat din ng akda para sa mga bata. Ang kanyang librong Why Man-daya Teens Have Sharp, Black Teeth ng Balangay Productions ay ipinanganak sa loob ng klasrum sa UP Diliman noong tinatapos niya ang kanyang Master’s Degree sa Creative Wri­ting. Lumipas ang mahigit sampung taon bago ito nailimbag. Sa kasalukuyan, si Ime ay bahagi ng Commission on Higher Education bilang isang konsultant na nagtatagu­yod ng kampanya tungkol sa libreng edukasyon sa bansa sa darating na pa­sukan. Siya ang nag-tatag ng Freelance Writers Guild of the Philippines at ng maliit na grupo ng mga manunulat na kilala bilang FLOW. Si Ime ay nagba-blog sa yinyangnotebook.wordpress.com

BALANGAY PRODUCTIONSi Beverly Siy ay isang manunulat, tagasalin at copyright advocate. Nagtapos siya ng BA Malikhaing Pagsulat sa Filipino sa UP Diliman bilang cum laude. Aktibo si Bebang sa larangan ng publishing. Isa siya sa mga Book Champion at Intellectual Property Ambassador ng ating bansa noong 2015. Da­lawa sa kanyang mga aklat ay naging finalist sa National Book Awards para sa mga kategoryang Sanaysay at Antolohiya. Ang kanyang It’s A Mens World ay nagkamit ng Filipino Readers Choice Award noong 2012 para sa ka­tegoryang Sanaysay.

Siya ay nakatira sa Quezon City kasama ang kanyang asawa at dalawang anak. Puntahan ang kanyang blog na babe-ang.blogspot.com para sa latest writing tips. Maaari rin siyang makontak sa [email protected]

RM Topacio-Aplaon is a novelist from Imus, Cavite. He has written a handful of novels on his hometown, among which is Lila ang Kulay ng Pa-mamaalam (published by the University of the Philippines Press in 2015) and Alguien ya contó las horas (published by Balangay Press in 2018). He is also a painter and an amateur musician.

Ronald Verzo grew up in Sta. Mesa, Manila and studied in San Beda College. He moved to Bacoor, Cavite where he eventually co-founded the Ca-vite Young Writers Association (CYWA) and was its president for seven years. There he labored on works focusing on the development and study of local literature in the province. This linked him to similar efforts of groups in other provinces. He is the editor of CYWA’s Lita: Poems on Women, which won the Filipino Reader’s Choice Awards 2013. He also published several anthologies from local writers through Balangay Productions, a mul-timedia company and independent press he co-directs with Beverly Siy.

TUNGKOL SA KRITIKA KULTURA

Kasama ang Kritika Kultura sa ilang indies gaya ng MLA International Bibliography, Arts and Humanities Citation Index (Clarivate), Scopus, EB-SCO, and the Directory of Open Access Journals.

Kilala ang Kritika Kultura sa ilang network ng mga dalubhasa ng literary, language, and cultural studies sa Asya, America, at Europa.

Dalawin ang http://journals.ateneo.edu/ojs/kk/ o sumulat sa [email protected] kung may tanong hinggil sa pag-sumite at sa mga susunod pang mga panayam.

Comments are closed.