BALASAHAN PA SA BIR, BOC?

Erick Balane Finance Insider

KUMBINSIDO ang Malacanang sa mungkahi ni Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III na magkaroon pa ng  balasahan sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) sa nalalabing mga buwan ng panunungkulan ni Presidente Rodrigo  Duterte para sa total cleansing laban sa graft and corruptions.

Ito ay bunsod ng bagong ranking sa tax collections mula Enero hanggang Mayo ng kasalukuyang taon sa hanay ng 23 Regional Directors ng BIR at 46 namang District Ports Collectors ng BOC.

Sa ranking ng BIR, ang dating ‘top 10 regions’ na CaBaMiro, San Fernando, Pampanga; South NCR; City of Manila; LaQueMar, Koronadal City; Caloocan City; Quezon City; East NCR at Legaspi City ay nabago na — nanatili sa #1 ang Ca-BaMiRo, #2 ang South NCR, #3 ang East NCR, #4 ang LaQueMar, #5 ang Caloocan City, #6 ang San Fernando, Pampanga; #7 ang Cebu City, #8 ang Makati City, #9 ang Davao City at #10 ang Bacolod City.

Kapuna-puna sa ranking ang Large Taxpayers Service (LTS) na nag-iimbestiga sa bulto ng  1st 5,000 big-time taxpayers na nagrehistro lamang sa pangalawa sa kulelat o #22 out of 23 regions at nitong huling ranking ay pumasok lamang sa #15, samantalang ang kabuuang tax collection goal ng buong BIR ay 60% ang dapat nitong kolektahin habang ang 40% ay mula sa Revenue District Office (RDOs) at kung bakit ganyan ang koleksiyon ng LTS ay dapat bigyang-linaw ng hepe nito.

Sa panig ng BOC, hindi pa nagbigay ng tax collection figure si Commissioner Leonardo Guerrero para sa koleksiyon ng 46 Ports Collectors sa buong bansa.

Ang rigodon o balasahan sa BIR ay maraming beses nang ginawa ni Commissioner Billy at inaasahang sa pagkakataong ito ay muling magkakaroon ng major shake-up bunsod ng pagtaas at pagbagsak ng tax collections sa bawat region at district, at posibleng isabay ang paglilinis sa graft and corruptions.

Sa latest ranking, bumandera pa rin sa top six ang mga regional office ng CaBaMiro, South NCR, East NCR, LaQueMar, Caloocan City at Quezon City.

Ang top 10 namang Revenue District Office sa Metro Manila ay ang East and West Makati, South QC, North QC, Cubao, dalawang distrito sa Bulacan, Marikina, Pasig at Mandaluyong.

Kuwestiyonable naman ang performance ng LTS sa patuloy na pagbagsak ng tax collections nito matapos punahin ni Secretary Dominguez ang diumano’y sumasamang collection performance nito. Ang LTS ang inaasahang mangunguna sa collection performance dahil hawak nito ang 1st 5,000 top corporations sa bansa kaya ito tinawag na Large Taxpayers Service.

Under fire umano ang hepe ng LTS dahil sa hindi magandang tax performance  nito sa unang limang buwan ng taon.

Karaniwang inihahalili sa posisyong ito ang mula sa hanay ng regional directors na kasama sa top 10 collectors upang mapahusay ang koleksiyon sa buwis at inilalagay sa ‘freezing capacity’ ang mga ‘poor performer’.

Samantala, kamakailan ay isang regional director ang nagbitiw sa puwesto matapos tanggapin ang alok mula sa isang kilalang law and accounting firm sa bansa.

Noong Mayo 26, 2021, isa namang hepe ng BIR sa national office ang umano’y sinampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman matapos ireklamo ng sarili niyang mga tauhan dahil sa katiwalian, ngunit nananatili pa rin ito sa puwesto.

Una nang dinismis ng Ombudsman ang dalawang examiners ng BIR na pinangalanan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang lingguhang ‘Ulat sa Bayan’ dahil sa umano’y ‘pangongotong’ kasabay ng babala na sisibakin niya sa puwesto ang sinumang opisyal at kawani ng Kawanihan na masasangkot sa katiwalian.

“Bago matapos ang aking termino sa 2022, marami pang madidismis at makukulong na opisyal ng gobyerno na sangkot sa katiwalian,” ani Presidente Duterte.

Sa mga ganitong tiwaling opisyal galit si Presidente Duterte at may habilin kay Commissioner Dulay na agad itong sibakin sa puwesto habang gumugulong ang kasong katiwalian sa husgado.



Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag- email sa [email protected].

4 thoughts on “BALASAHAN PA SA BIR, BOC?”

  1. 729669 668242Oh my goodness! a fantastic post dude. Thanks Nevertheless My business is experiencing problem with ur rss . Do not know why Struggling to join it. Is there anybody acquiring identical rss problem? Anyone who knows kindly respond. Thnkx 97611

Comments are closed.