ANUMANG araw ngayong linggo ay babalasahin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga opisyal ng Sugar Regulatory Administration (SRA) upang bigyan pansin ang isyu sa sugar industry.
“We’ll reorganize the SRA and then we will come to an arrangement with the industrial consumers, with the planters, the millers, suppliers of the sugar to coordinate para talaga kung ano ‘yung mayroon, kung ano ‘yung available, mailabas na sa merkado,” ayon kay Marcos.
Hahayaan din ng Pangulong Marcos na ang legislature na ang mag-imbestiga sa sugar importation issue, dahil siya ay nakatutok sa iba pang hamon na dulot ng food and beverage manufacturers.
Aminado si PBBM na kailangan ang agarang pagtugon sa problema sa asukal upang maiwasan ang kakulangan nito sa hinaharap na makaapekto sa mga local sugar worker at kanilang pamilya.
“Because right now, they are starting to cut down the days of the week na nagtatrabaho and we are very worried of course about jobs. So ‘yun ang iniintindi ko talaga right now,” ayon pa kay PBBM.
Kumpiyansa naman ang Pangulong Marcos na ang kayang pakikipag-usap sa industry stakeholders lalo na sa manufacturers ay magkakaroon ng positive results hinggil sa sapat na local supply ng asukal.
“That’s what we are negotiating with the traders now. Hihingin natin… They first offered at 80 pesos (per kilo) so sabi ko, ‘Hingiin ko na ‘yung 70 pesos, tulungan ni’yo na lang kasi kawawa naman ang tao.’ And we’re getting there,” ani Marcos.
Ang sitwasyon sa asukal ay kagaya rin ng iba pang
agricultural commodities sa Pilipinas na ayon sa Pangulong Marcos na maaari namang umangkat ng asukal at iba pang agricultural product para lamang punan ang pangangailangan kapag mayroong kakulangan sa produksyon.
“To cut production costs, the government extends subsidies and fertilizer to farmers,” dagdag pa ni PBBM. EVELYN QUIROZ