BALDWIN PINAGMULTA, SINUSPINDE NG PBA

Tab Baldwin

PINATAWAN ng parusa ng Philippine Basketball Association (PBA) si Tab Baldwin para sa kanyang mga komento sa “Coaches Unfiltered” podcast.

Ayon sa  PBA website, ang dating  head coach ng Gilas Pilipinas ay pinagmulta ng P75,000 at sinuspinde ng tatlong laro.

Si Baldwin na kasama sa coaching staff ng TNT KaTropa ay pinatawan ng parusa makaraang sabihin na ang single import format ng PBA ay isang malaking pagkakamali at ang mga  import  ay binigyan ng ‘regulatory advantages’ ng mga referee.

“I feel bad that has happened and that is not my intention,” wika ng  Ateneo head coach sa pakikipagpulong sa mga opisyal ng PBA noong Lunes.

Ipinaliwanag niya na ang kanyang mga komento ay binigyan ng ibang kahulugan.

Nagbigay rin si Baldwin ng komento sa ‘tactical immaturity’ ng basketball coaches na “significantly unaware of the tactical advancements and the systemic advancements of coaching systems coming out of Europe in particular.”

Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na ang mga komento ni Baldwin ay “uncalled for” at nakasisira sa liga.

Comments are closed.