IPINAGPATULOY na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksiyon sa ilang major bridge projects na naglalayong maibsan ang trapiko sa Metro Manila.
Ang naturang mga proyekto ay kinabibilangan ng Bonifacio Global City-Ortigas Center Link, Estrella-Pantaleon Bridge, Binondo-Intramuros Bridge, at Sta. Monica-Lawton Bridge.
Ayon kay DPWH Undersecretary Emil Sadain, ipinagpatuloy nila ang civil works sa flagship bridge projects makaraang makakuha ng ‘go signal’ mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID),
Ang Bonifacio Global City-Ortigas Center Link ay 51 porsiyento nang tapos. Sa sandaling makumpleto, ang nasabing proyekto ay inaasahang magpapabilis sa biyahe sa pagitan ng dalawang commercial centers sa 12 minuto lamang mula sa kasalukuyang isang oras.
Isinagawa ang ground breaking ng proyekto noong Hulyo 2017 at unang inasahang matatapos nitong Marso.
Samantala, ang Estrella-Pantaleon Bridge, na kilala rin bilang Rockwell Bridge, at nagdurugtong sa mga lungsod ng Makati at Mandaluyong, ay 54 porsiyento nang tapos.
Sinimulan ang konstruksiyon nito noong Setyembre 2018, subalit sinuspinde hanggang noong Enero 2019 dahil sa inaasahang matinding trapiko sa lugar sa mga buwan bago ang Christmas season. Inaasahang matatapos ang tulay makalipas ang 30 buwan o sa kalagitnaan ng mid-2021.
Samantala, ang Binondo-Intramuros Bridge ay 32 porsiyento nang tapos. Ang proyekto na magdurugtong sa mga makasaysayang distrito ng Maynila ay nag-break ground noong Hulyo 2018 at inaasahang matatapos makaraan ang dalawa at kalahating taon o sa katapusan ng 2021.
Comments are closed.